ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!

Noong unang panahon na hindi pa ako nag susulat ng blog at busy pa sa pagta-type sa loob ng butas ng ilong ko,nauso ang sikat na icon ng isang ‘Cuban Revolutionary’ na isang ‘Argentinian’ na kilala lang sa pangalan na ‘Che’ na lumaban side by side with Fidel Castro laban sa diktaturya ni President Batista na katumbas sa atin ni Gloria Macapal Arroyo sa kasalukuyang panahon at kasalukuyang bansa.Kung na gets mo na ang history ng aktor,punta na tayo sa blind item…

OO.Sya si Che Guevarra!Nakita mo na sya sa bag ng kupal mong klasmeyt bilang bilog na design na hindi ko alam ang tawag.Basta laminated sya at may pardible sa likod.Nakita mo na sya sa T-Shirt ng kamote mong ka-officemate at sa lahat ng ungas na nakiuso nung nauso ang ‘icon’ na nasa larawan sa ibaba.May semi-gago akong kakilala na nagpa-tattoo rin nito.Nang tinanong ko (o sinubok ang kanyang kakupalan kung sino ang naka tattoo na iyon sa balat nyang kayumanggi,si CHE daw.Sino kakong Che?Basta si Che yan,sikat yan sabi nyang depensa na akmang bubunot na ng sumpak sa brief nya kung magtatanong pa ako.Kako,sana si CHE-rrypie PicaCHE na lang pina-tattoo nya,at least kilala ko.Di ko raw kilala kase di ako’in’.Asshole!!!)


i-click ang larawan tungkol sa talang-buhay ni CHE at nang malaman mo kung nagsisinungaling ako…

Ang nakalulungkot,hindi sya Pinoy,oo kamukha sya ng mga taong grasa sa EDSA at lahat ng kanto ng bansa na may taong grasa.Kamukha rin sya ni Dante Varona at Rey Langit pero uulitin ko.HINDI SYA PINOY!!!Bakit nga kaya tayo mahilig sa mga ganitong ‘icon’ samantalang dito sa atin,kay raming pwedeng idolohin at i-imprenta sa mga T-Shirt katulad ng mga tunay na bayani gaya ni Rizal,Fernando Poe Jr.,si Boni at yung lumpo?Kung trip mo naman ang mga latest na bayani,ke Bayani Fernando ka na.Print mo sa pink na T-Shirt yan at sigurado na negosyo mo.Siguradong lugi,hahaha!!!

Namatay si Francis Magalona at nagbago ang uso.Three stars and the sun.Proudly Pinoy.Nabuhay ang patriotismo na si Kiko lang ang nakakaunawa nung una.Dagsa ang T-Shirt na Filipino ang tema.Flag,mapa,Filipino colors at iba pa.Binuhay ng patay ang patriotismong naunang namatay sa kanya sa puso ng mga Pilipinong nagpapatay-patayan.Naka limutan ang icon ni CHE,pero di pa rin nabubura ang tattoo ng semi-gago kong kakilala.At malamang sa malamang,magpapabalik balik ang ‘icon’ ng mga taga ibang bansa sa madaling panahon hanggat wala uling patriyatikong muling masasawi gaya nila Joma Sison,Ka-Roger,Dick Israel,Pacquito Diaz,Manny Pacquiao at Jollibee.Sama na rin sa listahan ang mga makabansa katulad ni Jolens at Marvin Agustin.Ay,huwag pala sila dahil gumanap sila sa ‘I Love New York’ na isang di-makabansang teleserye.Hehehe!!!

Karagdagan tungkol sa sumulat:Si Aldous ay walang hilig sa isyung politikal at relihiyon bagamat sya ay pwersahang pinagbabayad ng buwis at pwersahang pinabinyagan sa simbahang katolika sa panahong ang alam lang nya ay umiyak-tumawa-kumain-umihi-tumae-matulog.Sya rin ay hindi kailanman naging rehistradong botante bagamat lubos nya itong pinanghihinayangan sa panahon ng eleksyon sapagkat wala syang botong maibenta sa mga politikong bumibili ng boto.

Comments 1 Comment »

‘Kapag nasobrahan ka sa kakaisip,minsan para itong luga na tumutulong kusa at nag-aanyong tula…’

-Scrammbledeggs

‘Alam mo ring basura kapag tapos mo nang mabasa…”


-Dear Reader ng Scrammbledeggs

Comments 2 Comments »

Si ConfusedShoes ay hindi si Confiucius na kilalang Chinese Philosopher noong panahon ng Guy and Pip Era na may akda ng kung ano anong scroll na pinagbabasehan ng mga Chinese Laws at learnings katulad ng ‘Art of War’ ni Zun Tzu.Si ConfusedShoes sa makatuwid ay isa lamang ordinaryong Intsik na lumaki sa Ongpin at inspired sa kanyang dakilang ninuno na si Confiucius kung kayat minabuti rin nya ang mag sulat ng mga words of wisdom habang kumakain ng siopao at lugaw na tatawagin nating mga ’shit’ para sa kapakanan ng mga mambabasang hindi mahilig sa mga seryosong ’shit’.

Ang larawan sa ibaba ay isang artist impression ni ConfusedShoes (Tinawag syang ConfusedShoes dahil sa kahinaan nyang ma-recognized ang kaliwa sa kanan kapag nagsusuot ng sapatos na nagiging dahilan ng kanyang pagiging katawa-tawa sa kanyang mga kababatang intsik-beho.)

Mga “SHIT” ni ConfusedShoes:

Sa Pagtitipid: “Pag ikaw tae,ikaw huwag na  flush kubeta,iyo kasunod malamang mandiri at di rin mak flush.Tipid na sa tupik,tipid pa sa effort….oke?”

Sa Pag-aabuloy sa mga namatay:”Akie oki lan bigay laki abuloy basta kapit-bahay araw-araw paktay…oke?Pak kapit-bahay ubos,akie lugar tahimik at wala sisita sa mahjong kahit maingay!”

Sa pagbibisyo:
Sigarilyo:”Pak-ikaw mabisyo,ikaw dapat madiskarte!ikaw bili yosi sa mura tindahan kahit malayo.Pakete o tinge pero mas oke pag hinge!”
Sa pambababae at panlalake:”Pak babae ikaw gusto,ikaw hanap panget para sya bayad sayo,pag ikaw gusto makanda,ikaw dala pamalo at pwesto dilim lukar.”
Sa Alak: “Pak alak ikaw hanap,ikaw timpla rubbing alcohol…pareho lang tama pero presyo mas tipid.”
Sa Pagsusugal:”Pak ikaw bisyo sugal,ikaw hanap sugalan laki pintuan.Suot ka kumportable sapatos o tsinelas para pag ikaw talo,ikaw agad takbo.Sila wala habol kase bilis takbo ang tao me atraso!”
Sa Drugs: “Akie payo pag ikaw adik,ikaw tira agad dora-rat killer.Pak-ikaw paktay,bisyo tapos.Pag-ikaw liktas,ikaw dala na!Pag ikaw di dala,tira ulit dora pero ikaw doble dossage,oke?”

Sa Pagkukunwari: “Para ‘di halata ikaw paktay gutom,ikaw laki lakay toothpick sayo bibig.Lahat tao iisipin ikaw busok na.”

Sa Pag-aasawa: “Ku ikaw lalakie,ikaw kuha asawa babae liit kamay.Titi liit mukha laki sa babae liit kamay.Pak ikaw babae,ikaw hanap lalake liit kamay.Suso laki pak hawak lalaki liit kamay,oke?”

Sa Trabaho: “Pak boss mo bobo,ikaw panggap mas bobo.Pak kumpanya luge,ikaw di sisi.Pak boss matalino,ikaw di na kailangan panggap,ikaw kailangan na tanggap na ikaw bobo.”

Sa Pagsusulat: “Wala paki-alaman,@ssh*le!*@%$!*!$#!!!Dudung,basa lang ng basa!Ang tao palabasa nito blog scrammbledekk,malamang,inuto pinilit at hinarass!!!”

Sa Pagkokomento: “Pag ikaw di comment,ikaw wala taste sa ‘Shit’…boring,wala lovelife,di magkakaroon ng lovelife,at di lalapitan ng lovelife kahit daan lang!!!Pag meron naman,ikaw niloloko lang nya…hahaha!!!”

Disclaimer:(Si Aldous ay nasa impluwensya ng ‘alkatol’ habang sinusulat nya to.Ang ‘alkatol’ ay kemikal combination ng nakalalasong usok ng katol na nasa kwarto nya at alcohol na iniinom nya sa paniniwalang mas marumi ang bibig nya kesa sa kamay.)

Comments 2 Comments »

wala akong windang na kwento sa mga nakaraang walang kwentang araw ko.
sadyang walang kwenta talaga kaya naisipan ko na lang na gumawa ng windang na entry sa windang kong blog sa pamamagitan ng windang na drawing sa ibaba…

pero makapangyarihan ang windang na drawing na yan kase kapag ki-nlick mo yang larawang yan,kaya ka nyang tulungan sa mga bagay na gusto mong malaman….

Comments 3 Comments »

Sa aking ulap…

ang tahanan ng tula,ang kanlungan ng panaginip at musika ng pag-ibig na ibinubulong sa hangin…

pagtawanan mo na lamang ang kakayahang kong di-ipahayag ang tunay kong damdamin…

Comments 6 Comments »

Kapag humulagpos ang isang bagay mula sa iyong pagkakahawak, nagiging malaya sila o kung hindi ay nababasag sa paanan ng daigdig. Maraming magsasabi na hindi ka naging maingat,na hindi mo iginiit ang kakayahan mong ariin ang isang pagkakataon.Kadalasan,walang alam ang lahat maliban sa iyong sarili kung gaano ang naging sakripisyo ng ating pagkatao para tayo ay magkaroon ng lakas ng loob na magpalaya…

Hindi para sa maramot ang pagpapalaya.

Sadyang may mga ibong makukulay ang pakpak.Hindi sila nababagay sa mga ginintuang kulungan ng ating puso.Nilikha silang kaulayaw nang amihan,nang habagat at matatayog na papawirin.Sadyang hindi para sa makasariling damdamin.Sadyang malaya.At habang minamasdan natin silang papalayo,may sayang bumabalot sa kalahati ng ating pagkataong naging maramot na nag-nais na sila ay ikulong,at may lungkot ang kalahati na nagnais silang gawing malaya. Maiiwan tayong tulad ng isang basong may kalahating laman. Nasa pagitan ng pagkasaid.Nasa pagitan ng kahandaang mapunan ang kulang sa atin.

Magpapatuloy ang araw at gabi nang hindi naghihintay.

At maiiwang muli ang mga ala-ala.

At ang muli’t muling panghihinayang.

At pag-asa nang pagsisimula muli.

At pagsasakripisyo kung kailangang muling magpalaya…

Comments 6 Comments »

Ito’y isang lumang liham pag-ibig nang pusong nakikibaka para sa kalayaan ng bayan habang may sariling digmaang kinakabaka sa kanyang dibdib ukol sa pagkakawalay sa kanyang iniibig.Bagamat ito’y pakiki-alam sa pribadong sulat ni Ponce kay Gorgonia,wala na tayong paki-alam sapagkat matagal na silang naging multi-vitamins and minerals sa ilalim ng lupa.Halina’t sariwain ang kanilang kabaduyan….Read on!!!


Liham Ni Ponce

Comments 2 Comments »

“ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”-DR. JOSE P. RIZAL

Sino sila?

A. Sila ang papasikat na boybands na ”Dead Sperm Revival”

B. Sila ay member ng ”Estong Tutong Gang”

C. Sila ang nawawalang barkada ni ”Beavis and Butthead”

D. Sila ay napag tripan ko lamang at lihim na hinangaan…

”Very artistic ang pagkakakuha ng picture…”
-Mang Basilio;Award Winning Photographer

”Mahihiya panigurado ang posing ng BIOMAN,MASKMAN at POWER RANGERS sa mga ungas na ‘to!!!”

-Shaider;Pulis Pangkalawakan

”Ang tagal ko nang nag-a-adik pero wala nang mas tatalo pa sa trip ng mga ‘to kesa sa mga trip na ginawa ko at ng mga tropa kong adik!!!Ang babagsik nyo,men!!!”

-Anonymous;(name withheld for safety reason)

”Ito ang resulta ng kakulangan ng Vit. C,sobrang monosodium glutamate,high dosage ng melamine,cough syrup at rugby na mga pangunahing sangkap sa binebentang nutri-bun(registered trade mark) sa mga pampublikong iskwelahan!”

-Aling Iska;Nutritionist ng Day Care Center

”Mag bukseng na lang kayo,mga bwiset!!!”

-Aling Dionisia,mother turned actress of Money Pakyaw

ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN…PUTANG-INA!!!WALA AKONG SINASABING GANYAN!!!”

-kaluluwa ni DR. JOSE P. RIZAL

Comments 3 Comments »

-EHEM!-

PAALALA:ITO AY KWENTO NG PAGSISISI AT PANGHIHINAYANG,KAYA SANA BASAHIN MO KESA PANGHINAYANGAN MO NA HINDI ITO BINASA SA BANDANG HULI…HE HE!

Image Hosted by ImageShack.us

May cake na nakahain sa mesa mo.Maganda ang design,katakam takam sa tingin pa lang.Gusto mo ang message na nakalagay-’I LOVE YOU!’.Lalo itong nagpasaya sa puso mo.Bihira ang pagkakataon na may dumarating na cake na hindi ikaw ang bumili.Binigay sa iyo ng walang pag aalinlangan,buong-buo.Nanlaki ng konti ang iyong mata sa tuwa.Akin ba talaga ‘to?Tinikman mo ang icing,marahan kang nagpaikot ikot sa mesa para sipatin ang cake na alam mong gustong gusto mo sa una palang na tinanggal mo ang takip ng cake box.Paikot-ikot,pasipat sipat sa paghanga…pero ano ang iyong nakita…may LANGAW!!!may langaw ang cake!!!Ayoko na nito,nasabi mo sa inis dahil sa langaw na nakita mo!!!Tumakbo ka papalayo sa mesa at nagkulong sa kwarto.Nakalimutan mong mag thank you sa nagbigay ng cake.Bakit naman ganun ang binigay nya?tanong mo sa sarili mo.Natulog ka sa sobrang inis at lungkot.Pag gising mo naalala mo ulit ang cake.Mas naalala mo ang magagandang bagay na nakita mong una sa cake.Ang masarap na icing,ang nakalagay na message,ang nagbigay.Paglabas mo,wala na ang cake.Wala na ang nagbigay.Dahil sa maliit na langaw,nawala ang cake.Isang araw pa ang lumipas,nakita mo na iba na ang nag mamay ari ng cake na dapat pala naging sayo.Nanghinayang ka na lang…

Araw araw pag gising mo sa umaga,hinihintay ka ng mainit na kape sa mesa.Dating walang nagtitimpla nito at ikaw lamang ang nagtitimpla para sa sarili mo.Dahil lagi kang nagmamadali sa pagpasok,hindi na mahalaga sa iyo ang lasa ng kape.Katwiran mo basta masayaran ng init ang sikmura mo,at dahil ikaw naman ang nagtimpla,ok na.Naging mas masarap ang kape nung ipinag titimpla ka na nya.Lagi lagi kang gumigising na naroon ang mainit at masarap na tasa ng kape.Hanggang minsan,nagbago ang iyong panlasa.Hindi mo itinanong kung nagbago ba ang timpla nya.Hindi ka kumibo kahit alam mong matabang ang kape.Sa simula,iniiwan mo itong hindi ubos.Matabang,kulang sa tamis!bulong mo sa isip mo.Pero hindi ka kumibo.Tuluyan ka nang nawalan ng gana sa lasa ng kape.Iniiwan mo na itong hindi nagalaw.Isang araw,pag gising mo,wala na ang kape.Nagtimpla ka dahil katwiran mo dati namang ikaw ang gumagawa nun.Hindi mo maiwasang ikumpara ang lasa ng timpla mo ngayon sa lasa nung sya pa ang nagtitimpla.Kahit anong dami ngayon ng asukal na ilagay mo,kulang pa rin sa tamis.Nanghinayang ka na lang…

Isang malaking salamin ang kaligayahan.Binasag ito sa mumunting piraso at ikinalat sa lahat ng sulok ng mundo para hanapin ng tao.May maliliit na piraso at may malalaki subalit lahat ito ay ginawa sa sukat na maaaring magkasya sa ating mga palad.Upang matawag nating atin,upang mahawakan.Ang hahawak nito ng sobra ay masusugatan sa kamay.Ang magpipilit na magpuno ng kamay ay masusugatan din o kung hindi ay maihuhulog nya ang ibang piraso at ito ay mas mababasag pa sa mas maliit na piraso.Nakita mo minsan ang mga pirasong nais mo.Ikinulong mo ito sa iyong palad at labis kang natuwa.May nakita pang muli at dinampot mo.Katulad din halos ito ng pirasong hawak mo na.Hindi kasya at kailanagn mong bitiwan ang isa.Naging maramot ka.Ayaw mong mapunta sa iba ang dalawang piraso.Hinigpitan mo ang hawak sa salamin.Naramdaman mong nasusugatan ang palad mo.Pinilit mo pa rin hanggang tuluyan mong nabitiwan pareho.Ayaw mo pero sugatan ang palad mo.Wala kang magagawa.Matagal pa bago ka muling makakahawak ng piraso na gaya ng mga natagpuan mo dati at nahawakan.Dinampot sila ng iba subalit wala kang magawa.May sugat ang kamay mo at kailangan ng mga pirasong iyon ng taong magpapahalaga sa kanila.Nanghinayang ka na lang…

Comments 5 Comments »

Image Hosted by ImageShack.us

‘Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko ngayong araw at naisipan ko na namang magta type sa keyboard…’nagsusulat’ na naman yata ako o ‘nag susubok na magsulat’…struggling ‘ika nga…

Kapag pala wala kang ginagawa…marami kang maiisipang gawin.Gagawa ka at gagawa ng paraan para may paglaanan ng oras pero kapag gagawin mo na ang naisipan mong gawin,tatamarin ka na naman.At iikot lang ng iikot ang oras mo sa pagitan ng pag iisip ng gagawin at pag iwas sa naisipang gawin.Yan…so far,diyan ko nauubos ang oras ko.Ang galing ‘di po ba?

Pero dahil nga disoriented lagi ang mga entry ko sa blog,hindi yan ang pag uusapan natin,kundi ang nabili kong bonsai at ang kwento ng aming adventure… (pati bonsai pinagtripan!)

Ka-ching!Extrang pera…350 pesos to be exact!Ito ang natira matapos kong awasin sa utak ko ang lahat ng babayarang bills at pagkakagastusan sa buong kinsenas kasama na ang 25% pasobrang budget para sa extrang di ko natuos o posible kong nakalimutan.Nakaharap ako ngayon sa tindahan ng bonsai sa Tagaytay.Bagamat maraming magkakatabi na magagagandang halaman sa paligid,nakatutok lang ang mata ko sa munting pasong halos pabilog ang sukat.Maliit na di hamak sa malaki kong ulo pero may ‘green’ ding nasa ibabaw nito(parang laman ng ulo ko,he he!)

Marahan ko syang dinampot.’Di ko sigurado kung nakita ng nagbabantay na babae yung kislap sa mata ko.Sa wakas!Ang pangarap kong bonsai!Ang punong pwede kong ilagay sa loob ng kwarto ko at di ko na kailangan pang lumabas para makakita ng puno.Ito na…ang katuparan ng…”Sir,kukuhanin n’yo yan?500 lang po…”boses ng tindera ang bumasag sa paglalakbay ng isip ko kapiling ang bonsai.”500?!miss ang mahal naman ng puno nyo ng kamatis?”Ngumiti ang tindera.Narinig kong bumunghalit ng tawa sa likod ko ang dalawa ko pang kaibigan na mahilig magpahangin sa Tagaytay.Sila ang nagyaya sa akin dito.Utang ko sa kanila kung bakit nakita ko ang pangarap kong bonsai.

“Sir,bonsai na blah blah blah ho iyan,di kamatis!”May inis at may yabang ang sagot ng babae.(Di ko na maide-describe sa’yo ang itsura ng babae sa ngayon kase concentrated ang utak ko noon sa bonsai!)Ang totoo,hindi naman blah blah blah ang sinabi nya kundi pangalan ng halaman o puno,pangalan ng asawa nya siguro o scientific name ng bonsai na hawak ko,kasama ng scientific name ng paso,at ng lupa…at..ahhh,basta!Hindi ko naintindihan ang sagot nya sa patawa ko.”Biro lang miss…maganda sana kaso mahal!”Sinisiko ko ang kasamahan ko dahil specialty nya ang pagtawad.Huggling…dyan sya dalubhasa.Baratan.”Miss,bigay mo na lang yan ng 300…tutal hapon na…”Nakipagtawaran sya sa babae. “400 sir,last price…”Nakisabat na ako…”350 miss,utang ko yung singkwenta.Lagi naman akong nadaan dito eh!” “Bakit sir,taga saan ba kayo?”Pwede kong sabihin na taga Mendez ako o taga Batanggas pero ‘di ako sanay magsinungaling kaya sinabi ko sa kanya ang totoo…”GMA miss,pero dito kami lagi natambay eh!,namamasyal at sightseeing…maganda kasi saka…” “Pinutol na nya ang mga sasabihin ko…”kunin nyo na sir,daan nyo na lang ulit yung kulang…”In your dreams…sa isip isip ko pero ngumiti ako ng abot tenga.Sana lang ‘di nya nakita yung malademonyong ngiti ko.Binalot sa plastik.Nag request akong doblehin nya ang plastik,agad naman nyang ginawa.Inabot ko ang bayad.Deal done.Pag aari ko na ang pangarap kong bonsai at wala nang makapag hihiwalay sa amin.

Abot langit ang ligaya ko habang naglalakad papuntang motorsiklo.Pauwi na kami at na excite ako na umuwi upang mailagak ko na ang bonsai sa kwarto na magiging bago niyang tahanan.Maingat ako sa pagmamaneho.Dahan dahan at lagi kong sinisipat ang ilalim ng plastik ng bonsai.”Huwag kang lulusot.”Bulong ko sa bonsai.Nasa Pala Pala na kami at nagyayang kumain ang isa kong kasama.”KFC tayo…”Hindi na ako tumanggi sapagkat nagugutom na rin ako.Pumasok kami ng Robinson’s at bitbit ko pa rin ang bonsai.’Di ko pwedeng iwaglit sa paningin ko ang bonsai.Masyado syang maganda at kahit santo ay magkaka interes na kunin ang aking bonsai.’Order nyo ko…single,spicy…extra rice!’derecho ako sa mesang bakante.Siksikan dahil halus 6pm na at nakain na ang mga tao.Marahil bago umuwi.Saka payday…karapatan nilang mag KFC!

Nakatitig ako sa bonsai.Iniisip kong nakatingin din sya sa akin.Napakaganda.Ang pasong namimilog…na nilulumot lumot pa,ang mismong bonsai na may luntiang dahon.Naputol ang concentration ko ng narinig kong tumunog ang cellphone ko at dali dali ko syang kinapa.Tumatawag si boss…maingay kaya kailangan kong tumayo lumakad at sumulok sa pwestong di kaingayan.Naka salubong ko ang kasama kong may dalang tray ng order namin at sinenyasan ko syang tatanggapin ko lang ang tawag…

Ka-brassshhh!!!!!!!Iyon ang narinig ko mula sa aking likuran!Tumalon ang puso ko…sana yun ang tray ng aming pagkain…sana yun ay ang ulo ng batang nasa hi-chair…sana yun ang bungo ng matandang nasa tabi ng mesa namin…kaso tunog iyon ng paso!!!’Di ako maaaring magkamali dahil expert ako at champion sa hampasang palayok!Oh hinde!!!Nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay.Nasa lapag ang basag basag na paso ng bonsai.Hawak ng kasama ko ang tray.Gumulong ang bilog na paso ng iurong nya ng tray habang nilalapag ang pagkain.Parang nakita ko na ang eksena kung ano ang nangyari.’Di ko na sinagot ang tawag.Pucha!!!Ang aking bonsai…ang pangarap kong bonsai…Sabog ang lupa at kusot at basag na paso at ang bonsai na naglabasan ang ugat.

Nagsalimbayan ang tanong sa isip ko…”Bakit may tangang tao?Bakit kailangan kong maging kaibigan ang tangang tao?Bakit walang tatak ang tanga sa noo para sa gayun ay maiwasan mo sya bago kayo maging close?Anong vitamins ang kulang sa tangang tao?Magiging tanga rin kaya ang uod na kakain sa kanya kapag pinatay ko sya ngayon?Bakit…”Tol,nahulog…he he!”Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyang pangyayari.”Gumulong,pabilog kasi eh!…”Hindi gumagalaw ang labi ko pero parang sinabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa loob ng bibig ko.”Putang ina mo…tanga!”

Winalis ng crew ang nagkalat na lupa at paso at ang munting bonsai.”Sir,gusto nyo bang ilipat ang halaman?”Lalo akong nayamot…una,hindi iyon halaman,bonsai yun!bonsai!!!!!pangalawa,ilipat saan?Sa palad ko?Ah alam ko na…sa ulo na lang ng kasama kong walang laman…”Tol,bayaran ko na lang sa susunod yung puno mo ng kamatis…gusto mo yung nagbubunga na eh!”Ngumiti na lang ako sabay kagat sa fried chicken na nooy nawala bigla ang lasa at linamnam.Iniisip ko na lang na iyon ay ang leeg ng kasama kong gusto kong patayin sa mga oras na iyon.At least,sa bandang huli,natutunan ko na marami pang tutubong bonsai pero bibihira ang maka kilala at magkaroon ng kaibigang tanga…tsk tsk…

WANTED:BONSAI,WORTH 300…TRUE MINIATURE OF A GROWN UP TREE,SWINGING LIVE MINIATURE MONKEY IS A PLUS!!!PLEASE REPLY IF YOU KNOW WHERE CAN I GET ONE…

Sayang,sana nakita ko na lang sya sa ibang pagkakataon…Sayang talaga!

Comments 10 Comments »