
tenk yu...tenk yu...ang babait ninyo...tenk yu!
Ako si Kid.Hindi mo ako kilala o hindi pa naririnig ang anumang kwento ng aking katauhan.Sa iyo,isa lamang akong pangalan.Walang halaga at handang kalimutan sa oras na banggitin ko sayo kung sino ako.Hindi na iyon ang mahalaga sa akin.Kahit ang isasalaysay ko sa iyo ay handa mo ring limutin sa oras na matapos mong marinig ang kwento ko.
May kwento ng kadakilaan,may kwento ng kabayanihan.Ang ganitong
kwento ay hindi agad nalilimutan.Ang pangalan ng mga nasa kwento ay hindi rin agad humulagpos sa isipan ng nag iingat ng gayong
kwento.Ngunit hindi ang aking kwento,hindi ang aking pangalan.Sapagkat anumang sandali,ako’y iyong kalilimutan…
Ako si Kid.Isang araw ng sabado,pinasok ko ang StarBucks sa Festival Mall.Kilalang tambayan ng mayayaman at nagpapanggap na mayayaman.Dala ang isang mabigat at maumbok na bag,ipamumukha kong kaya kong gawin ang hindi pa nagagawa ng sinumang katulad kong ipinanganak ng labandera,lumaki sa squatter area at habang buhay na commuter ng public transportation vehicles na hindi aircon.
Ako si Kid.Invisible ako sa mata ng mayayaman at mayayabang na naroon isang araw ng sabado.Tuloy tuloy ang hakbang ko mula sa pintuan hanggang sa counter ng StarBucks.
‘What’s your order,sir?’
Nilabas ko mula sa aking dalang bag ang isang tasang walang
laman.Pinatong ko sa nangingintab na pasi-mano sabay tulak palapit sa namamanghang service crew.
‘Just plain hot water,please!’
Libong ulit ko nang minaster sa utak ko ang linyang ito.
‘Sir?’
‘Can i have hot water in that cup please?’
Daang beses naman ito.
First time na may humingi sa kanya ng hot-water.Nag-aatubiling kinuha niya ang tasa at nilagyan ng mainit na tubig habang nakangiting tumitingin-tingin sa ilang kasamahan niyang naroon.Binalik niya ang tasang may tissue na ngayong nakasapo sa ilalim.Tissue ng StarBucks.
‘Thank you…How much will i pay for the…’
‘No,sir…we don’t charge for the hot water.Would that be all?’
‘Ah,yes…Thank You’
Kinuha ko ang tasa sabay lapit sa upuang nasa bandang gitna ng
lugar.Mula sa pagiging Mr.Invisible kanina,may ilan nang matang
nakakapansin sa akin.Nilapag ko ang aking maumbok na bag sa katabing upuan na lumikha ng ingay na lalong nagdagdag ng matang napa lingon sa akin.Umupo ako’t kinuha ang sachet ng 3-in-1 na kapeng binili ko ng 5.50 sa tindahan sa tapat ng bahay namin.Pantay matang pinitik-pitik ko ang balutan bago pinunit at isinalin sa tasa ng kapeng may mainit na tubig.Tinupi ko ang balutan ng pahaba ng ilang ulit saka ko ginamit na panghalo sa kape.Yumuko ako para langhapin ang amoy ng umuusok na kape.Dinampot ko ang tasa at bahagyang humigop sa pag-iingat na mapaso ang aking labi.
May ilan nang mata ngayong hindi na basta napalingon kundi
nagsusubaybay sa akin.Muli akong yumuko upang kunin ang mabigat na laman ng nakaumbok kong bag.Lumikha ulit ito ng ingay ng ipatong ko sa salaming lamesa ng StarBucks-Isang antigong Typewriter!
Nagsalang ako ng papel sa papel na lumikha muli ng ingay habang
iniikot ko ang flatten knob.
‘Krrrrkk…krrrkkk…krrrrkkk!’
‘Tak-tak-takatak-tak-tak!’
‘Kling’
‘Krrrrrrrrrkkkkkkkk’
Tak-tak-tak…tak-tak…’
Paulit-ulit na pinunit ng tunog ng antigong typewriter ang katahimikan ng daigdig ng mayayaman at mayayabang.Wala nang mata pa ang umiiwas sa akin.Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin.Paulit-ulit kong tinipa ang teklado ng typewriter na may dagdag na lakas upang gumawa ng mas nakari-rinding ingay.Pasalit-salit na pag tipa at pag-higop ng kape.
Ako si Kid.Isang araw ng sabado sa StarBucks Festival Mall sa Alabang,ginambala ko ang daigdig ng mayayaman at mayayabang.Kasama ng aking antigong typewriter at tasa ng 3-in-1 na kape,tinanggalan ko ng atensyon ang hi-tech na cellphone,palm pc’s,notebook pc’s at laptop ng mga mayayaman at mayayabang.Pinatigil ko sila sa kanilang ginagawa upang sa loob ng tatlumpung minuto,lingunin nila ang kinaroroonan ko at galitin ang kanilang kalooban sa pag gambala ko sa sagradong lugar nila.
Ako si Kid.Matapos kong isulat sa dalawang pirasong bond paper ang
kwentong ito,maingat kong ibinalik ang typewriter at tasa ng kape sa
aking bag bago tuluyang lumakad palabas sa StarBucks.
‘Nice move!’
Bati ng security guard na may ngiti ng paghanga sa labi nang dumaan
ako sa tapat nya.
Ako si Kid.Minsan…naglakas-loob.

cum,they told me...fuck fuck pakang-kang!!!
There’s no alternative for coffee than coffee!
-Kid