ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!

dahil may mga gabing malamig at sadyang nakakabagot…

dahil may mga nakababagot na kwento ang mga gabi…

dahil may nababagot na gustong mag kwento…

at may gabing gusto mong magbasa ng nakaka-bagot…

inihahandog ng scrammbledeggs publishing ang isang kwentong aantig sa natutulog mong pagnanasa…

gigising sa nahihimbing mong kamalayan…

at magpapainit ng iyong ulo…

Romeo and Juliet (the S.O.P.)

dahil may nababagot na gustong mag kwento…hahaha!!!

Your Money,Your Money not chuuuu!!!

Your Money,Your Money not chuuuu!!!

(Ringing tone ni Juliet isang hating gabi…)

Juliet:Hello…napatawag ka?kamusta?

Romeo:Naisip kita eh…baka kako gising ka pa…

Juliet:Uhmmm,oo…hinihintay ko nga rin na tawagan mo ako eh.

Romeo:Parehas pala tayo…kanina ko pa rin gustong makausap ka…

Juliet:Para namangĀ  may sasabihin ka…

Romeo:Alam mo namang minsan,sapat na yung alam kong ikaw yung nasa kabila ng linya kahit ‘di ka magsalita…

Juliet:Wala rin kasi akong maikwento sa’yo eh…

Romeo:Pero sapat na sa akin yung naririnig ko ang mahinhin mong pag hinga sa kabilang linya…nagda-dagdag sa akin yun ng lakas para hindi mawalan ng pag asa na balang araw makakasama kita sa gabing ganito…

Juliet:Ako din…naniniwala ako na makakasama kita balang araw kaso ang layo mo…pero…

Romeo:Pero ano?

Juliet:Pero kapag kausap kita…parang andito ka lang sa tabi ko…

Romeo:Ganun rin ang pakiramdam ko,Oh Juliet!

Juliet:Oh,Romeo…ikaw ang bumubuo ng aking pagkatao!

Romeo:Juliet…hahayaan mo ba akong yakapin ka?

Juliet:Oo,Romeo…Oo!

Romeo:Hahayaan mo bang hagkan ko ng mahinhin ang iyong batok hanggang punong tenga habang sinasabi ko kung gaano kita kamahal?

Juliet:Uhhhmmm…ok lang…

Romeo:Hahayaan mo bang maglakbay ang kamay ko papunta sa…

Juliet:Eh,teka…saan ba papunta yang mga sinasabi mo?Ikaw ha…hihihi!

Romeo:Alam mo yung SOP?

Juliet:……..

Romeo:Nandiyan ka pa?

Juliet:Huh?!Ikaw ha…naughty ka!HiHiHi!

Romeo:Ano?!tayong dalawa lang naman andito eh…sige na…

Juliet:Nahihiya ako…’di ako marunong nun eh…

Romeo:Ako na ang magsasalita…makikinig ka lang at damhin mo ang bawat sasabihin ko…

Juliet:Ah…’di ba masagwa yun?

Romeo:Hinde…lahat ng mga friends ko ginagawa yun sa mga kausap nila sa phone kapag gabi…

Juliet:Ibahin mo ako sa kanila…’di ako katulad nila at wala pa akong karanasan sa SOP na sinasabi mo…

Romeo:Alam kong iba ka sa kanila Juliet…alam ko at batid sa una pa lang na na wrong send ka at naging magka text mate tayo…

Juliet:Ganun?Ang tagal na nun ah?Di mo talaga ako makalimutan…

Romeo:Kagabi lang kaya yun…

Juliet:Hihihi…uu nga pala!

Romeo:Ano?SOP na tayo…basta ako bahala…

Juliet:Sige…basta huwag mo isiping masama akong babae dahil gagawin ko lang ito para sa’yo…

Romeo:Oo…Juliet…Oo!

Juliet:Paano ba?

Romeo:Nakahiga na ako dito,Juliet…hinihintay na lang kitang lumapit sa tabi ko dahil kunwari galing ka sa labas ng kwarto…

Juliet:…..

Romeo:Nakita ko ang anino mong sumulpot sa pintuan…bakat ang hugis ng katawan mo sa manipis mong pantulog…

Juliet:Uu,naka nighties nga ako ng suot ngayun eh…hihihi!

Romeo:Dahan dahan kang lumapit…may kasabikan ang pagkakatingin mo sa akin…

Juliet:Grabe ka naman…ahaha!

Romeo:Isang malaki at matigas na saging ang tingin mo sa akin…

Juliet:ay!ganun?hihihi…

Romeo:Shhhh…isa akong saging…saging na gustong gusto mong isubo…paulit-ulit,Juliet!

Juliet:Oo,Romeo…nanamnamin kita sa aking dila…labas masok sa bibig ko…hihihi!

Romeo:Nakatayo ka na sa harapan ko…unti unti mo nang hinuhubad ang saplot mo sa katawan nang paisa-isa…

Juliet:…..

Romeo:Hindi mo inaalis ang tingin mo sa saging ko…may pagnanasa,may pananabik…

Juliet: uhhhmmmm…

Romeo:Dahil isa kang Matching!!!Isang Unggoy na Matching na sabik na sabik sa saging!!!

Juliet:Put…

tut…tut…tut!

Romeo: Hello?Andyan ka pa?

Romeo: Hello!?Shit!!!

Romeo: Hello?!

titi-tit-ti-tit!

titi-tit-ti-tit!

text message mula kay Juliet:

‘TngInaMo!’

Leave a Reply