ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!

kwentong pantasyang walang katapusan
ang bawat gabi ng pakikipag titigan
inaaninag sa dilim kung kailan darating
ang kinasasabikang tulog na mahimbing

wala nang ginawa kundi ang magpuyat
kung kaya’t ang salita ay nangangayayat
walang tinig,walang hugis na dini dibuho
kundi kumpol kumpol na mga panibugho

isipang nagbukas,nag pipilit tumuklas
paano huhulihin ang damdaming nag aklas
susupilin nga ba ang namumuong tugma
at titik na sa puso’y tila nag didigma

sa paisa-isang bituing napupundi
ningas ng pag-asa’y biglang nagsisindi
ilang dakot ng salita,ilang parirala
ang katahimika’y baka maging tula

babati ang umagang hindi nagsasawa
ngingiti sa aking parang nanunuya
baligtad ang lahat na dapat na tuwid
angal ng bintanang ngayo’y pinipinid…

kay R.E. Jr. (sa kanyang kaarawan)

dre,anu pa ba ang aking masasabi
kundi isang happy birthday na matindi
di na kailangang magbitbit ng regalo
sapagkat lahat na yata ay nasa sa iyo

lovelife na makulay sing kulay ng rainbow
at yamang hindi kayang tapatan ng bangko
katawang lupa mo’y kinahuhumalingan
lahat nalalasing sa iyong kagandahan

sa bawat kwentuhan,ikaw ang pulutan
sa bawat handaan ikaw ay nariyan
dumating ka lamang kahit sa lamayan
ay nagiging piyesta ang kaligayahan

minsan nga pati ako ay nauuto mo
na sundin ang lahat ng bawat utos mo
mabuti na lamang nagising na ako
hindi bagay sa’yo ang isang katulad ko

tanggap ko nang akoy kalabit-penge
na laging umaasang tapunan ng ngiti
habang ikaw ay halos tumira sa parlor
tawas lang ang gamit ko sa aking body odor

kahit payatot ka,sobra pa ring sexy
at dahil beauty pa,marami ang envy
ikaw ay sadyang blessed,yan ang aking confess
at ang maging friend mo ay aking hapiness!!!

3 Responses to “Pagbibilang ng mga Bituin/Tula kay R.E. Jr.”
  1. abnormal xa oh.. mais mais kau jn…

  2. hndi porke gnawan mko ng tula ndi kna mg reregalo
    kapal mu ndi p ntatapos ang oct blehhh..

  3. hala!may babae palang jr!

Leave a Reply