After 2 years nang subscription sa plan 777 ng Digitel with Landline na para ring wala,anu nga ba ang nangyari sa ‘buhay-google ko’?Yan ang aking iku-kwento ng may lubos na kaligayahan.Read on!!!
Natuto akong mag chat.I met a lot of names that becomes faces and turned to real friends.I met a lot of friends that turns to faces and eventually to just names.Hello nga pala sa lahat ng kaibigan specially yung patuloy pa ring sumusubaybay sa ‘libingan’ kong ito.Libangan sana sasabihin ko pero mas maganda yata yung term na libingan since dito ko nililibing ang lahat ng kwento at shit na naiisip ko.
Dito ako natutong mag ‘Pokker’ at hindi ko akalain na magiging adik ako sa sugalan on-line.Walang natalo sa akin at wala akong napanalunang cash.Nanalo ako ng paraan para palipasin ang oras ko at natalo rin ako ng importanteng oras na ginamit ko sana sa importanteng gawain.
Nakipag-barilan ako bilang Special Forces.Naging sniper,assault specialist at back-stabber ng mga uhuging bata na nagsusunda-sundaluhan din sa network games na ito.Ito ang dalawang laro na patayan,barilan at saksakan pero kulang sa violence at gore.Walang dugo at walang kalamnang napupunit.Ang SF at WarRock!
Pumatay ako ng higanteng ipis,troll,punk,rock-en-roll at kulugo sa Cabal(dalawang araw ko lang yata ‘to nilaro).
Gumawa ng Friendster account at nag-add ng 237 friends,naglagay ng anim na featured friends,nag comment ng kung ano-anong greetings at nagpadala ng message sa kung sino sinong kaibigan.Gumawa ng blog,nagsulat,naglagay ng artworks at nakibasa at naki-view ng blog at profiles ng kung sino-sino.Nag-grab ng isang ’special photo’ at nag share din yata ako ng tatlong pirasong picture ko.
Nanood ng ‘Moymoy Palaboy’ sa YouTube,tumunghad ng scandal sa RedTube,sumali sa kung anu anong site na may kinalaman sa mga hilig ko sa buhay,nag-download ng mga Mp3,Mp4,Mp5,Mp6 at kung ano anong empi files at kung ano-anong shit.Nakipagtalakayan sa kung saan-saang forum.Nakipag-debate kung bakit mas maganda ang tumira sa Mars kesa sa Earth,kung bakit mas magaling si Jacky Chan kaysa kay Buddha at nag suggest kung paano ire-recycle ang patay na tao.
Naging ‘Mafia’ wannabee at magsasaka sa Facebook.Hindi nakigulo sa Friends For Sale,at wala na akong ibang masasabi sa Facebook.
Tumanggap at nag-padala ng mga e-mails,nagbasa ng mga spam mails,tinesting kung ano mangyayari kapag sumagot sa mga spam mails at gumawa ng ibang e-mail address na nakalimutan ko na maliban sa nag-iisang gamit ko.
Natagpuan ang mga dating kaibigan,schoolmates,kamag-anak,nagpapapanggap na kamag-anak at workmates.Nakibalita,nag-kwento,nakinig at nagkunwaring nakikinig.
Sumali sa asaran,nakipag tuksuhan,nakipaghamunan ng away at natutong tumanggap ng sorry at mag-sorry.
Nakunsumi sa virus,nakunsumi sa anti-virus at natuto ng mga geek terms at mga typical ‘LOL’,'BRB’,'GTG’,'ASLN’ at ‘FY!’
Nakasira ng keyboard,naka-pudpod ng mouse at nakapundi ng monitor.Nag-aral mag-gitara gamit ang on-line tabs at chord guide.Nag-auction,nag-bid at natalo sa bid.
Sumuporta sa ‘Vilmanians’siniraan ang ‘Noranians’,sumali sa ‘Dating-Daan’ at naging supporter ni Manny Villar sa AKALAMO.com.(Hindi totoo ang apat kong huling binanggit!)
Nagmahal,nagpalaya,nagparaya at nanatiling nagmamahal.(Totoo yan!)
At…
Yan ang summary ng 2-years ko sa Buhay-Google’ on-line so far…
SHUTDOWN.
*************************************************************************************
SYSTEM RESTARTING…
Owwws,yun lang?!
Huwag na yun…
Sabihin mo na kasi!
Nakakahiya,e…
Pag hindi mo sinabi ako magsasabi…
Ayoko,nakakahiya talaga…
Nag Camfrog din sya!!!
Puta,nakakahiya!Bat mo sinabi?Huwag kayong maniniwala,bintangero yan!
Aminin mo na kase!
Ok…Okeeyyyyy!!!Pero nag view lang ako at hindi ako nag show.Hayup ka…kung kelan malapit na eleksiyon saka mo ko siniraan!
FORCE SHUTDOWN.
to be continued…

Entries (RSS)