Ang Farmville sa Facebook (Isang Game Review)
Posted by: scrammbledeggs in Mga Obserbasyong WindangOo,nabanggit ko na rin na ako ay mayroon nang Facebook account!Naki-sakay na ako sa ‘in’ kase sabi sa akin ng kapatid ko,pang next level daw ang Facebook at ang Friendster ay isa nang history!Teka,hindi history ang term nyang ginamit!Pang ‘masa’ daw…hindi rin pang masa!Eto ang eksaktong term…’Friendster?!…ewwww!‘
Sapat na yung ‘ewwwww’ para gumawa ako ng Facebook account.
Facebook.Home.Blah-blah-blah invited you to join “blah-blah-blah!”.Yung unang blah x3 ay ang name ng mga friends mo at yung “blah x3″ ay ang activities na kinahuhumalingan nya.Merong Friends for Sale,Farmville,MafiaWars,Dragonwars,at hindi ko na alam yung iba kung para saan at para ano.Ang gusto kong isalaysay ay ang tungkol sa laro o activities na pinagkaabalahan ko sa Facebook.Walang iba kundi ang…
FARMVILLE
Setting:Ikaw ay nagsawa sa hi-tech na buhay katulad ng internet,chat,friendster,facebook at cellphone kaya naisipan mong pumunta sa bukirin upang doon ay gumawa ng trabahong pambukid katulad ng pagtatanim at paghahayupan.
Game Start:Binigyan ka ng lupa mula sa agrarian reform version ng Facebook upang paunlarin…binigyan ka rin ng pera pambili ng binhi(seeds) at ilang kagamitan tulad ng asarol(hoe) at karit(scyte) para sa panimulang pagpapa-unlad ng iyong kapirasong lupa.
Mechanics:Bubungkalin mo ang lupa gamit ang asarol,pipili ka ng butong itatanim na may takdang oras nang pagtubo at may kaakibat na xp points,presyo ng binhi at selling price ng binhi kapag inani mo na ito.Ang xp points ang magde-deklara kung anung level mo na para naman may ma-publish ka sa homepage ng Facebook mo,ang coins at money ay suma ng puhunan at kita na gagastusin mo along the way ng pagbubukid at pambili ng ibang gamit na magpapadali ng iyong trabaho.
May oras ang mga tanim at depende sa klase,presyo at kaakibat na XP o experience points ang tagal ng pagpapatubo hanggang sa pwede mo na itong anihin.Iba-ibang klase ang binhi na pwedeng pag pilian depende sa available mong oras para ito ay balikan upang anihin.Dito na pumapasok ang time management.Kailangan balikan ang tanim sa takdang oras ng pag aani kung hindi,dedbol ang halaman mo at ito ay hindi na pwedeng pakinabangan.Kaya dapat isa-alang alang dito ang iba mong gawain tulad ng skedyul sa trabaho o eskwelahan,dadaluhang pagtitipon,at iba pang pinagkaka-abalahan sa totoong buhay.Oo,umabsent ka na!
Added fun ang pag-a-add ng kapitbahay.Sila ang mga friends mo sa facebook na na naglalaro rin ng larong ito.Maaaring magpalitan kayo ng mga hayup,puno o kung magpapakatotoo ka katulad ng ugali mo sa totoong buhay,tatanggap ka na lang ng tatanggap ng mga regalo nilang ito at hindi kailanman mamimigay.
Ganun din ang mechanics sa paghahayupan.Lahat ng hayup ay may kaakibat na oras ng pag-aani ng balahibo,gatas,itlog,truffles(anu to sa tagalog?) at etc.
Pwede kang magdagdag ng puno,bakod,churn,toolshed,picnic table,puntod,bandera,barn,bahay,sugalan,bakod,traktora na iba ibang silbi at kulay etc. etc. etc.
Objective: Pagandahin ang bukid,kumita,palawakin,bumili ng mga gamit at mag level up at achievements para may ma-post sa Facebook account maliban sa pagsasabi araw-araw ng ‘Badtrip! sa Facebook wall mo.Gawin ito ng walang humpay at gawing daily habit hanggang sa rayumahin ang daliri kakapindot,mapasma,ugatin at magka-kalyo at tibak katulad ng sa totoong magsasaka.
Ang Game Rating ko sa FarmVille: 3 out of 5!!!
Mas masaya sana kung…
1.)Maari kang gumawa ng masama sa kapit bahay mo katulad sa totoong buhay.Halimbawa,lilipat ka sa bukid nya para lasunin ang mga alaga nyang hayup,silaban ang bahay,sunugin ang pananim at patayin ang kakumpitensya sa negosyo para makapag deklara ng mas mataas na market price!
2.)May option dapat na pwede mong katayin ang mga alagang hayup kapag trip mo,mag illegal logging ng mga puno,at i-convert sa Mall o subdivision ang bukid mo kapag tinatamad ka na.
3.)Maaring mag tanim ng marijuana at cocaine plantation sa lupang sinasaka at may option na gamitin ito ng karakter mo o ibenta sa sindikato.
4.)Pwede dapat kumuha ng low level friends hindi bilang neighbor kundi alipin na pwede mong alipinin sa mga gawaing nakakapagod tulad nang walang humpay na click sa mouse.
5.)Dapat nagkakaroon din ng mga baha tulad ng sa totoong buhay at masisira ang lahat at mag kakaroon ng evacuation center na tatawagin nating…YoVille.
6.)Sinong ungas ang mag-aalaga ng elepante para sa mani na gagamitin sa circus?
7.)Dapat pwede ring mag asawahan ang mga hayup para dumami.
8.)Pwede ring mag asawahan ang mga karakter para dumami.
9.)Nagiging conjugal property ang bukid ng karakter na mag-asawa para iisa na lang ang magta-trabaho at hindi ang lalaki yun.
10.)Pwedeng kamkamin ng mga hacienderong politiko ang lupa ng magbubukid at magkakaroon ng pag-aalsa upang labanan ang sistema katulad ng sa totoong buhay.
Kung ganyan ang farmville,malamang na absent na ako sa trabaho ko at hindi na nagawa pang isulat ito.
Sa susunod…
Facebook presents MafiaWars!
(Ang karimarimarim,kakilakilabot,kasuklam-suklam kalagim-lagim,kasindak sindak at pagkadilim-dilim na mundo ng sindikatong abala sa nakayayamot na pagki-click pa rin ng mouse…the Godfather tells you to come back!!!)

Entries (RSS)
FCUK!!! This review was so FU**** awesome!!! keep it up dude! Nyahahahaha!!!