ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!
Archive for October, 2009
Oct
13
2009
Ang Farmville sa Facebook (Isang Game Review)Posted by: scrammbledeggs in Mga Obserbasyong WindangOo,nabanggit ko na rin na ako ay mayroon nang Facebook account!Naki-sakay na ako sa ‘in’ kase sabi sa akin ng kapatid ko,pang next level daw ang Facebook at ang Friendster ay isa nang history!Teka,hindi history ang term nyang ginamit!Pang ‘masa’ daw…hindi rin pang masa!Eto ang eksaktong term…’Friendster?!…ewwww!‘ Sapat na yung ‘ewwwww’ para gumawa ako ng Facebook account. Facebook.Home.Blah-blah-blah invited you to join “blah-blah-blah!”.Yung unang blah x3 ay ang name ng mga friends mo at yung “blah x3″ ay ang activities na kinahuhumalingan nya.Merong Friends for Sale,Farmville,MafiaWars,Dragonwars,at hindi ko na alam yung iba kung para saan at para ano.Ang gusto kong isalaysay ay ang tungkol sa laro o activities na pinagkaabalahan ko sa Facebook.Walang iba kundi ang… FARMVILLE Setting:Ikaw ay nagsawa sa hi-tech na buhay katulad ng internet,chat,friendster,facebook at cellphone kaya naisipan mong pumunta sa bukirin upang doon ay gumawa ng trabahong pambukid katulad ng pagtatanim at paghahayupan. Game Start:Binigyan ka ng lupa mula sa agrarian reform version ng Facebook upang paunlarin…binigyan ka rin ng pera pambili ng binhi(seeds) at ilang kagamitan tulad ng asarol(hoe) at karit(scyte) para sa panimulang pagpapa-unlad ng iyong kapirasong lupa. Mechanics:Bubungkalin mo ang lupa gamit ang asarol,pipili ka ng butong itatanim na may takdang oras nang pagtubo at may kaakibat na xp points,presyo ng binhi at selling price ng binhi kapag inani mo na ito.Ang xp points ang magde-deklara kung anung level mo na para naman may ma-publish ka sa homepage ng Facebook mo,ang coins at money ay suma ng puhunan at kita na gagastusin mo along the way ng pagbubukid at pambili ng ibang gamit na magpapadali ng iyong trabaho. May oras ang mga tanim at depende sa klase,presyo at kaakibat na XP o experience points ang tagal ng pagpapatubo hanggang sa pwede mo na itong anihin.Iba-ibang klase ang binhi na pwedeng pag pilian depende sa available mong oras para ito ay balikan upang anihin.Dito na pumapasok ang time management.Kailangan balikan ang tanim sa takdang oras ng pag aani kung hindi,dedbol ang halaman mo at ito ay hindi na pwedeng pakinabangan.Kaya dapat isa-alang alang dito ang iba mong gawain tulad ng skedyul sa trabaho o eskwelahan,dadaluhang pagtitipon,at iba pang pinagkaka-abalahan sa totoong buhay.Oo,umabsent ka na! Added fun ang pag-a-add ng kapitbahay.Sila ang mga friends mo sa facebook na na naglalaro rin ng larong ito.Maaaring magpalitan kayo ng mga hayup,puno o kung magpapakatotoo ka katulad ng ugali mo sa totoong buhay,tatanggap ka na lang ng tatanggap ng mga regalo nilang ito at hindi kailanman mamimigay. Ganun din ang mechanics sa paghahayupan.Lahat ng hayup ay may kaakibat na oras ng pag-aani ng balahibo,gatas,itlog,truffles(anu to sa tagalog?) at etc. Pwede kang magdagdag ng puno,bakod,churn,toolshed,picnic table,puntod,bandera,barn,bahay,sugalan,bakod,traktora na iba ibang silbi at kulay etc. etc. etc. Objective: Pagandahin ang bukid,kumita,palawakin,bumili ng mga gamit at mag level up at achievements para may ma-post sa Facebook account maliban sa pagsasabi araw-araw ng ‘Badtrip! sa Facebook wall mo.Gawin ito ng walang humpay at gawing daily habit hanggang sa rayumahin ang daliri kakapindot,mapasma,ugatin at magka-kalyo at tibak katulad ng sa totoong magsasaka. Ang Game Rating ko sa FarmVille: 3 out of 5!!!
Mas masaya sana kung… 1.)Maari kang gumawa ng masama sa kapit bahay mo katulad sa totoong buhay.Halimbawa,lilipat ka sa bukid nya para lasunin ang mga alaga nyang hayup,silaban ang bahay,sunugin ang pananim at patayin ang kakumpitensya sa negosyo para makapag deklara ng mas mataas na market price! 2.)May option dapat na pwede mong katayin ang mga alagang hayup kapag trip mo,mag illegal logging ng mga puno,at i-convert sa Mall o subdivision ang bukid mo kapag tinatamad ka na. 3.)Maaring mag tanim ng marijuana at cocaine plantation sa lupang sinasaka at may option na gamitin ito ng karakter mo o ibenta sa sindikato. 4.)Pwede dapat kumuha ng low level friends hindi bilang neighbor kundi alipin na pwede mong alipinin sa mga gawaing nakakapagod tulad nang walang humpay na click sa mouse. 5.)Dapat nagkakaroon din ng mga baha tulad ng sa totoong buhay at masisira ang lahat at mag kakaroon ng evacuation center na tatawagin nating…YoVille. 6.)Sinong ungas ang mag-aalaga ng elepante para sa mani na gagamitin sa circus? 7.)Dapat pwede ring mag asawahan ang mga hayup para dumami. 8.)Pwede ring mag asawahan ang mga karakter para dumami. 9.)Nagiging conjugal property ang bukid ng karakter na mag-asawa para iisa na lang ang magta-trabaho at hindi ang lalaki yun. 10.)Pwedeng kamkamin ng mga hacienderong politiko ang lupa ng magbubukid at magkakaroon ng pag-aalsa upang labanan ang sistema katulad ng sa totoong buhay. Kung ganyan ang farmville,malamang na absent na ako sa trabaho ko at hindi na nagawa pang isulat ito. Sa susunod… Facebook presents MafiaWars! After 2 years nang subscription sa plan 777 ng Digitel with Landline na para ring wala,anu nga ba ang nangyari sa ‘buhay-google ko’?Yan ang aking iku-kwento ng may lubos na kaligayahan.Read on!!! Natuto akong mag chat.I met a lot of names that becomes faces and turned to real friends.I met a lot of friends that turns to faces and eventually to just names.Hello nga pala sa lahat ng kaibigan specially yung patuloy pa ring sumusubaybay sa ‘libingan’ kong ito.Libangan sana sasabihin ko pero mas maganda yata yung term na libingan since dito ko nililibing ang lahat ng kwento at shit na naiisip ko. Dito ako natutong mag ‘Pokker’ at hindi ko akalain na magiging adik ako sa sugalan on-line.Walang natalo sa akin at wala akong napanalunang cash.Nanalo ako ng paraan para palipasin ang oras ko at natalo rin ako ng importanteng oras na ginamit ko sana sa importanteng gawain. Nakipag-barilan ako bilang Special Forces.Naging sniper,assault specialist at back-stabber ng mga uhuging bata na nagsusunda-sundaluhan din sa network games na ito.Ito ang dalawang laro na patayan,barilan at saksakan pero kulang sa violence at gore.Walang dugo at walang kalamnang napupunit.Ang SF at WarRock! Pumatay ako ng higanteng ipis,troll,punk,rock-en-roll at kulugo sa Cabal(dalawang araw ko lang yata ‘to nilaro). Gumawa ng Friendster account at nag-add ng 237 friends,naglagay ng anim na featured friends,nag comment ng kung ano-anong greetings at nagpadala ng message sa kung sino sinong kaibigan.Gumawa ng blog,nagsulat,naglagay ng artworks at nakibasa at naki-view ng blog at profiles ng kung sino-sino.Nag-grab ng isang ’special photo’ at nag share din yata ako ng tatlong pirasong picture ko. Nanood ng ‘Moymoy Palaboy’ sa YouTube,tumunghad ng scandal sa RedTube,sumali sa kung anu anong site na may kinalaman sa mga hilig ko sa buhay,nag-download ng mga Mp3,Mp4,Mp5,Mp6 at kung ano anong empi files at kung ano-anong shit.Nakipagtalakayan sa kung saan-saang forum.Nakipag-debate kung bakit mas maganda ang tumira sa Mars kesa sa Earth,kung bakit mas magaling si Jacky Chan kaysa kay Buddha at nag suggest kung paano ire-recycle ang patay na tao. Naging ‘Mafia’ wannabee at magsasaka sa Facebook.Hindi nakigulo sa Friends For Sale,at wala na akong ibang masasabi sa Facebook. Tumanggap at nag-padala ng mga e-mails,nagbasa ng mga spam mails,tinesting kung ano mangyayari kapag sumagot sa mga spam mails at gumawa ng ibang e-mail address na nakalimutan ko na maliban sa nag-iisang gamit ko. Natagpuan ang mga dating kaibigan,schoolmates,kamag-anak,nagpapapanggap na kamag-anak at workmates.Nakibalita,nag-kwento,nakinig at nagkunwaring nakikinig. Sumali sa asaran,nakipag tuksuhan,nakipaghamunan ng away at natutong tumanggap ng sorry at mag-sorry. Nakunsumi sa virus,nakunsumi sa anti-virus at natuto ng mga geek terms at mga typical ‘LOL’,'BRB’,'GTG’,'ASLN’ at ‘FY!’ Nakasira ng keyboard,naka-pudpod ng mouse at nakapundi ng monitor.Nag-aral mag-gitara gamit ang on-line tabs at chord guide.Nag-auction,nag-bid at natalo sa bid. Sumuporta sa ‘Vilmanians’siniraan ang ‘Noranians’,sumali sa ‘Dating-Daan’ at naging supporter ni Manny Villar sa AKALAMO.com.(Hindi totoo ang apat kong huling binanggit!) Nagmahal,nagpalaya,nagparaya at nanatiling nagmamahal.(Totoo yan!) At… Yan ang summary ng 2-years ko sa Buhay-Google’ on-line so far… SHUTDOWN. ************************************************************************************* SYSTEM RESTARTING… Owwws,yun lang?! Huwag na yun… Sabihin mo na kasi! Nakakahiya,e… Pag hindi mo sinabi ako magsasabi… Ayoko,nakakahiya talaga… Aminin mo na kase! FORCE SHUTDOWN. to be continued… kwentong pantasyang walang katapusan wala nang ginawa kundi ang magpuyat isipang nagbukas,nag pipilit tumuklas sa paisa-isang bituing napupundi babati ang umagang hindi nagsasawa kay R.E. Jr. (sa kanyang kaarawan) dre,anu pa ba ang aking masasabi lovelife na makulay sing kulay ng rainbow sa bawat kwentuhan,ikaw ang pulutan minsan nga pati ako ay nauuto mo tanggap ko nang akoy kalabit-penge kahit payatot ka,sobra pa ring sexy |




Entries (RSS)