Windang Weekend Entry Of The Week!!!
Posted by: scrammbledeggs in Mga Kwentong Windang, Mga Visuals na WindangOK,fine!Sadyang may mga araw na nakakatuwa talaga at magbabalik sa isip mo ang nakakatawang mga pangyayari at usapang ‘di mo malilimutan sa trabaho man o sa labas ng trabaho.Eto ang Top 10 famous line na magpapaturete sa isip mong mawiwindang kapag sa’yo binagsak ang ganitong mga pangungusap!!!Read on!!!
1.Mabubura pa ba ang nabura na ng pambura?(Yan ang mga tanong na lalabas sa bibig ng sira-ulo habang nag re-redo ng nai-undo sa autocad!!!)
2.Eskwalahin nyo ang gamit ninyong eskwala at baka ito ay wala na sa eskwala. (Malamang,sir!!!adik kasi ang tatay at nanay mo eh!!!)
3.I-drawing mo nga ako habang dino-drawing mo ko.(Sige pero papatayin muna kita habang pinapanood mo kong pinapatay kita,ok?)
4.Paki tanong naman kung ano yung tanong nya dun sa tanong na tinatanong mo sa kanya.(Hayup ka,manahimik ka na lang jan leche ka at makinig lang sa pinag uusapan namin!)
5.Pag nakita mo na nga yung hinahanap mo,paki check kung yun nga iyon.(Huwag ka na,ulol!chekin mo mukha mo!!!)
6.Nabasa mo na ba yung babasahing pinapabasa ko sa iyo tungkol dun sa babasahing binabasa ko kanina?(Oo nabasa ko na,katunayan nakasulat doon,baliw ka raw!)
7.Pagtawid ko dun sa tawiran nagtawiran na rin yung ibang tatawid tapos di pa pala oras ng pagtawid kaya nagtawiran kami pabalik nung nasa gitna na kami ng tawiran!!!hahaha!!!(Dapat sa’yo,nasagasaan ka na lang o kaya niligaw ka ng magulang mo sa SM nung bata ka pa,bwiset!!!)
8.E di nagpainit nga kami ng tubig dun sa painitan ng tubig,tas pare nung kumulo,talagang kulong-kulo!!! (Takure ang tawag dun,abnormal!At para namang may ikukulo pa ang kulo,adik!!!)
9.Yung binebenta ko sayo nabenta ko na kaso nabenta na rin agad nung punagbentahan ko.(Oo,gago…mabili talaga droga sa gaya mong siraulong lulong sa pinagbabawal na gamot!!!)
10.Pota,pare!!! lasing na lasing ako kagabi,wala akong maalala.Tas yun nga ano,lasing na lasing ako kagabi tas wala akong maalala!Basta,pota!talagang wala akong maalala!!!hahaha!!! (Kupal!Hindi ko rin maalala na nagaganap tong pag uusap natin!!!)
At dahil may commitment ako na sasabayan ko ng artwork ko ang bawat shit na i-po-post ko dito may kaugnayan man sa pinagsususulat ko o wala,enjoy this two art works.Oo,pilitin mo na kumbinsihin ang sarili mo na artwork nga ang dalawang yan!!!What are friends for?Kaya nga dito ako nagsusulat para alam kong hindi papalag ang makikibasa.Hehehe!!!

Ang Takip Silim Sa Lawa ng Ewan
Nga pala,paki print ‘to tas paki display sa CR nyo para mas madali kayong matae.Iba na syempre ang may Gallery ni Aldous sa kubeta.Sobrang Sosyal ‘di ba?
Nagbebenta ako ng oil paintings at mix media na gawa ko.Murang mura lang at pwede ring palitan nyo ng gulay at oil paints,brushes,papel o canvass.Pwede rin namang utuin nyo ko at baka sakaling ibigay ko na lang sa inyo.**
**(Paid advertisement donated by Friends of Aldous)

Entries (RSS)
kwela post mo.
salamat sa pagbisita sa blog ko, will add you in my blogroll. 
katawa tawa naman ang blog mo kuya