Kapag humulagpos ang isang bagay mula sa iyong pagkakahawak, nagiging malaya sila o kung hindi ay nababasag sa paanan ng daigdig. Maraming magsasabi na hindi ka naging maingat,na hindi mo iginiit ang kakayahan mong ariin ang isang pagkakataon.Kadalasan,walang alam ang lahat maliban sa iyong sarili kung gaano ang naging sakripisyo ng ating pagkatao para tayo ay magkaroon ng lakas ng loob na magpalaya…
Hindi para sa maramot ang pagpapalaya.
Sadyang may mga ibong makukulay ang pakpak.Hindi sila nababagay sa mga ginintuang kulungan ng ating puso.Nilikha silang kaulayaw nang amihan,nang habagat at matatayog na papawirin.Sadyang hindi para sa makasariling damdamin.Sadyang malaya.At habang minamasdan natin silang papalayo,may sayang bumabalot sa kalahati ng ating pagkataong naging maramot na nag-nais na sila ay ikulong,at may lungkot ang kalahati na nagnais silang gawing malaya. Maiiwan tayong tulad ng isang basong may kalahating laman. Nasa pagitan ng pagkasaid.Nasa pagitan ng kahandaang mapunan ang kulang sa atin.
Magpapatuloy ang araw at gabi nang hindi naghihintay.
At maiiwang muli ang mga ala-ala.
At ang muli’t muling panghihinayang.
At pag-asa nang pagsisimula muli.
At pagsasakripisyo kung kailangang muling magpalaya…

Entries (RSS)
convincing…maiksi pero malaman. Maganda yung mga salitang ginamit mo kaya mas naging sincere ung dating..well thats the basic secret naman kase… magnda yung style mo ng paggamit ng tayutay (personification, smele, etch)…in short, alam mo ung mga basic techniques na dapat alam ng writer. Sa grammar naman okay lang kasi informal naman diba?
Okay cya, pero kuya subukan mo pong pagalawin ung mood…un po bang may climax part tapos biglang bababa ung mood sa ending. or sa simula climax agad saka pababa naman sa huli. Konting ayos pa..hehehehehe…
Ang alam ko sa climax,nagsusuot ka ng brief pagkatapos…digz?
seriously,i just couln’t alter how i will put the thoughts just to put the ups and downs ng story.this wasn’t even a story i guess.this is life and reality.i will consider all these technical observation next time, jo.and again,salamat sa straight forward comment.
kahit naman po nde cya short story…what if nakalabas or madami na ung bumasa nito. nde naman lahat sa kanila sasabihing “a, this is a true 2 life story of a man named aldous.” most of them will considr this as a senario of a “story”. Since this writings are touching every reader, maganda nag ayusin pa rin. kahit ba sabihin pa nating isang parte lang ito ng emosyon mo….
this is about life but life is not just about me…
technically,sadyang mahina ako sa ‘teknik’ thats why i try to look for someone with the kin eyes…kaya salamat ulit jo…
looking forward to read some of yours so i can learn in your viewpoints…
bleeee….hmp..tamad k naman ksing maglibot sa fs ng nde mo close…. ingat prati shishishi….
hi,anonymous…di ka man lang nag iwan ng bakas e di sin sana’y nalibot ko rin ang fs mo…
gusto ko naman sanang maging usyoso sa fs ng iba kaso medyo,medyo lang….mahiyain ako…nyahahaha!