-EHEM!-
PAALALA:ITO AY KWENTO NG PAGSISISI AT PANGHIHINAYANG,KAYA SANA BASAHIN MO KESA PANGHINAYANGAN MO NA HINDI ITO BINASA SA BANDANG HULI…HE HE!
May cake na nakahain sa mesa mo.Maganda ang design,katakam takam sa tingin pa lang.Gusto mo ang message na nakalagay-’I LOVE YOU!’.Lalo itong nagpasaya sa puso mo.Bihira ang pagkakataon na may dumarating na cake na hindi ikaw ang bumili.Binigay sa iyo ng walang pag aalinlangan,buong-buo.Nanlaki ng konti ang iyong mata sa tuwa.Akin ba talaga ‘to?Tinikman mo ang icing,marahan kang nagpaikot ikot sa mesa para sipatin ang cake na alam mong gustong gusto mo sa una palang na tinanggal mo ang takip ng cake box.Paikot-ikot,pasipat sipat sa paghanga…pero ano ang iyong nakita…may LANGAW!!!may langaw ang cake!!!Ayoko na nito,nasabi mo sa inis dahil sa langaw na nakita mo!!!Tumakbo ka papalayo sa mesa at nagkulong sa kwarto.Nakalimutan mong mag thank you sa nagbigay ng cake.Bakit naman ganun ang binigay nya?tanong mo sa sarili mo.Natulog ka sa sobrang inis at lungkot.Pag gising mo naalala mo ulit ang cake.Mas naalala mo ang magagandang bagay na nakita mong una sa cake.Ang masarap na icing,ang nakalagay na message,ang nagbigay.Paglabas mo,wala na ang cake.Wala na ang nagbigay.Dahil sa maliit na langaw,nawala ang cake.Isang araw pa ang lumipas,nakita mo na iba na ang nag mamay ari ng cake na dapat pala naging sayo.Nanghinayang ka na lang…
Araw araw pag gising mo sa umaga,hinihintay ka ng mainit na kape sa mesa.Dating walang nagtitimpla nito at ikaw lamang ang nagtitimpla para sa sarili mo.Dahil lagi kang nagmamadali sa pagpasok,hindi na mahalaga sa iyo ang lasa ng kape.Katwiran mo basta masayaran ng init ang sikmura mo,at dahil ikaw naman ang nagtimpla,ok na.Naging mas masarap ang kape nung ipinag titimpla ka na nya.Lagi lagi kang gumigising na naroon ang mainit at masarap na tasa ng kape.Hanggang minsan,nagbago ang iyong panlasa.Hindi mo itinanong kung nagbago ba ang timpla nya.Hindi ka kumibo kahit alam mong matabang ang kape.Sa simula,iniiwan mo itong hindi ubos.Matabang,kulang sa tamis!bulong mo sa isip mo.Pero hindi ka kumibo.Tuluyan ka nang nawalan ng gana sa lasa ng kape.Iniiwan mo na itong hindi nagalaw.Isang araw,pag gising mo,wala na ang kape.Nagtimpla ka dahil katwiran mo dati namang ikaw ang gumagawa nun.Hindi mo maiwasang ikumpara ang lasa ng timpla mo ngayon sa lasa nung sya pa ang nagtitimpla.Kahit anong dami ngayon ng asukal na ilagay mo,kulang pa rin sa tamis.Nanghinayang ka na lang…
Isang malaking salamin ang kaligayahan.Binasag ito sa mumunting piraso at ikinalat sa lahat ng sulok ng mundo para hanapin ng tao.May maliliit na piraso at may malalaki subalit lahat ito ay ginawa sa sukat na maaaring magkasya sa ating mga palad.Upang matawag nating atin,upang mahawakan.Ang hahawak nito ng sobra ay masusugatan sa kamay.Ang magpipilit na magpuno ng kamay ay masusugatan din o kung hindi ay maihuhulog nya ang ibang piraso at ito ay mas mababasag pa sa mas maliit na piraso.Nakita mo minsan ang mga pirasong nais mo.Ikinulong mo ito sa iyong palad at labis kang natuwa.May nakita pang muli at dinampot mo.Katulad din halos ito ng pirasong hawak mo na.Hindi kasya at kailanagn mong bitiwan ang isa.Naging maramot ka.Ayaw mong mapunta sa iba ang dalawang piraso.Hinigpitan mo ang hawak sa salamin.Naramdaman mong nasusugatan ang palad mo.Pinilit mo pa rin hanggang tuluyan mong nabitiwan pareho.Ayaw mo pero sugatan ang palad mo.Wala kang magagawa.Matagal pa bago ka muling makakahawak ng piraso na gaya ng mga natagpuan mo dati at nahawakan.Dinampot sila ng iba subalit wala kang magawa.May sugat ang kamay mo at kailangan ng mga pirasong iyon ng taong magpapahalaga sa kanila.Nanghinayang ka na lang…

Entries (RSS)
nkakapanghinayang nga.. i’ve experienced that a lot… hehehe… taking them for granted tpos pag nwala sau ska mo marerealize n mahalaga pala… hehehe… but, lesson learned… so, before doing or sayinganything, pag-icpang mbuti… bka magsisi… laging nsa huli yan…. and be contented on what u have in life.. treasure it, coz, u will never know kung kelan mawawala ang mga bagay n yn sau… ipakita mo s mga taong mahal mo n mahalaga sila sau.. hahaha… serious ako ngaun ah… thanx for writing this blog down… great work, bright mind!!
ang lungkot naman nito… sa pagbisita ko ulit dito, ito pa ang inabutan ko. wala pa ring kupas, napatanga nalang at namangha… kuya na-miss kita at ang buong tropa sa pc25. // wag ka na manghinayang sa nakalipas.. tapos na un e… saka ginusto mo naman ang bagay na ginawa mo.. hindi mo nga lang nagustuhan marahil ang resulta. Uso ang DIABETES… magingat sa matatamis… kumain ka nlng ng gulay… dahil yan ang susi sa mahabang BUHAY.// coffee…. nakaka-palpitate… panginginig, pagpintig, pagkimbot, o pag-tibok nang puso na mas mabilis kaysa normal… wla lang… mag-3-in-1 ka nlng para swak sa panlasa -lolz-
Ba’t nga ba bigla ka na lang nawala?I don’t think seriously of what i have written recently…salamat sa comment at mga payo sa pag iwas sa mga bagay na matatamis…hehe.Ingat ka lagi,in any case you look back in this post.I wish you all the best specially sa work…
malungkot ang tema…katulad ng sinabi mo….panghihinayang….
as a reader…i felt the pain at ang mainam nito i can still feel it after reading..parang after taste…
pero kuya…since you strted it negativly mas maganda sigurong if you lift the mood ng reader sa middle or end part of it na parang magiisip ung tao o reader mo na eventhough we have the word panghihinayang we also have the word “hope”. A little twist lang para madistort young emotion na nakuha nila… sequence ung nagyari….sa first paragraph ang the secnd gang end….thats the style.! U fed my heart a heavy feeling and it made sad..
effective….as long na effective sa reader ayos lang..
jo,kase mahirap dalhin sa Disney Land ang mga tao para lang iuwi ulit sa Payatas pagkatapos.again,i will consider the advice on how to twist some style but in choosing between the style and the mood,mood pipiliin ko siguro.hehe.
salamat sa comment and deep technical analysis!