ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!

Image Hosted by ImageShack.us

‘Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko ngayong araw at naisipan ko na namang magta type sa keyboard…’nagsusulat’ na naman yata ako o ‘nag susubok na magsulat’…struggling ‘ika nga…

Kapag pala wala kang ginagawa…marami kang maiisipang gawin.Gagawa ka at gagawa ng paraan para may paglaanan ng oras pero kapag gagawin mo na ang naisipan mong gawin,tatamarin ka na naman.At iikot lang ng iikot ang oras mo sa pagitan ng pag iisip ng gagawin at pag iwas sa naisipang gawin.Yan…so far,diyan ko nauubos ang oras ko.Ang galing ‘di po ba?

Pero dahil nga disoriented lagi ang mga entry ko sa blog,hindi yan ang pag uusapan natin,kundi ang nabili kong bonsai at ang kwento ng aming adventure… (pati bonsai pinagtripan!)

Ka-ching!Extrang pera…350 pesos to be exact!Ito ang natira matapos kong awasin sa utak ko ang lahat ng babayarang bills at pagkakagastusan sa buong kinsenas kasama na ang 25% pasobrang budget para sa extrang di ko natuos o posible kong nakalimutan.Nakaharap ako ngayon sa tindahan ng bonsai sa Tagaytay.Bagamat maraming magkakatabi na magagagandang halaman sa paligid,nakatutok lang ang mata ko sa munting pasong halos pabilog ang sukat.Maliit na di hamak sa malaki kong ulo pero may ‘green’ ding nasa ibabaw nito(parang laman ng ulo ko,he he!)

Marahan ko syang dinampot.’Di ko sigurado kung nakita ng nagbabantay na babae yung kislap sa mata ko.Sa wakas!Ang pangarap kong bonsai!Ang punong pwede kong ilagay sa loob ng kwarto ko at di ko na kailangan pang lumabas para makakita ng puno.Ito na…ang katuparan ng…”Sir,kukuhanin n’yo yan?500 lang po…”boses ng tindera ang bumasag sa paglalakbay ng isip ko kapiling ang bonsai.”500?!miss ang mahal naman ng puno nyo ng kamatis?”Ngumiti ang tindera.Narinig kong bumunghalit ng tawa sa likod ko ang dalawa ko pang kaibigan na mahilig magpahangin sa Tagaytay.Sila ang nagyaya sa akin dito.Utang ko sa kanila kung bakit nakita ko ang pangarap kong bonsai.

“Sir,bonsai na blah blah blah ho iyan,di kamatis!”May inis at may yabang ang sagot ng babae.(Di ko na maide-describe sa’yo ang itsura ng babae sa ngayon kase concentrated ang utak ko noon sa bonsai!)Ang totoo,hindi naman blah blah blah ang sinabi nya kundi pangalan ng halaman o puno,pangalan ng asawa nya siguro o scientific name ng bonsai na hawak ko,kasama ng scientific name ng paso,at ng lupa…at..ahhh,basta!Hindi ko naintindihan ang sagot nya sa patawa ko.”Biro lang miss…maganda sana kaso mahal!”Sinisiko ko ang kasamahan ko dahil specialty nya ang pagtawad.Huggling…dyan sya dalubhasa.Baratan.”Miss,bigay mo na lang yan ng 300…tutal hapon na…”Nakipagtawaran sya sa babae. “400 sir,last price…”Nakisabat na ako…”350 miss,utang ko yung singkwenta.Lagi naman akong nadaan dito eh!” “Bakit sir,taga saan ba kayo?”Pwede kong sabihin na taga Mendez ako o taga Batanggas pero ‘di ako sanay magsinungaling kaya sinabi ko sa kanya ang totoo…”GMA miss,pero dito kami lagi natambay eh!,namamasyal at sightseeing…maganda kasi saka…” “Pinutol na nya ang mga sasabihin ko…”kunin nyo na sir,daan nyo na lang ulit yung kulang…”In your dreams…sa isip isip ko pero ngumiti ako ng abot tenga.Sana lang ‘di nya nakita yung malademonyong ngiti ko.Binalot sa plastik.Nag request akong doblehin nya ang plastik,agad naman nyang ginawa.Inabot ko ang bayad.Deal done.Pag aari ko na ang pangarap kong bonsai at wala nang makapag hihiwalay sa amin.

Abot langit ang ligaya ko habang naglalakad papuntang motorsiklo.Pauwi na kami at na excite ako na umuwi upang mailagak ko na ang bonsai sa kwarto na magiging bago niyang tahanan.Maingat ako sa pagmamaneho.Dahan dahan at lagi kong sinisipat ang ilalim ng plastik ng bonsai.”Huwag kang lulusot.”Bulong ko sa bonsai.Nasa Pala Pala na kami at nagyayang kumain ang isa kong kasama.”KFC tayo…”Hindi na ako tumanggi sapagkat nagugutom na rin ako.Pumasok kami ng Robinson’s at bitbit ko pa rin ang bonsai.’Di ko pwedeng iwaglit sa paningin ko ang bonsai.Masyado syang maganda at kahit santo ay magkaka interes na kunin ang aking bonsai.’Order nyo ko…single,spicy…extra rice!’derecho ako sa mesang bakante.Siksikan dahil halus 6pm na at nakain na ang mga tao.Marahil bago umuwi.Saka payday…karapatan nilang mag KFC!

Nakatitig ako sa bonsai.Iniisip kong nakatingin din sya sa akin.Napakaganda.Ang pasong namimilog…na nilulumot lumot pa,ang mismong bonsai na may luntiang dahon.Naputol ang concentration ko ng narinig kong tumunog ang cellphone ko at dali dali ko syang kinapa.Tumatawag si boss…maingay kaya kailangan kong tumayo lumakad at sumulok sa pwestong di kaingayan.Naka salubong ko ang kasama kong may dalang tray ng order namin at sinenyasan ko syang tatanggapin ko lang ang tawag…

Ka-brassshhh!!!!!!!Iyon ang narinig ko mula sa aking likuran!Tumalon ang puso ko…sana yun ang tray ng aming pagkain…sana yun ay ang ulo ng batang nasa hi-chair…sana yun ang bungo ng matandang nasa tabi ng mesa namin…kaso tunog iyon ng paso!!!’Di ako maaaring magkamali dahil expert ako at champion sa hampasang palayok!Oh hinde!!!Nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay.Nasa lapag ang basag basag na paso ng bonsai.Hawak ng kasama ko ang tray.Gumulong ang bilog na paso ng iurong nya ng tray habang nilalapag ang pagkain.Parang nakita ko na ang eksena kung ano ang nangyari.’Di ko na sinagot ang tawag.Pucha!!!Ang aking bonsai…ang pangarap kong bonsai…Sabog ang lupa at kusot at basag na paso at ang bonsai na naglabasan ang ugat.

Nagsalimbayan ang tanong sa isip ko…”Bakit may tangang tao?Bakit kailangan kong maging kaibigan ang tangang tao?Bakit walang tatak ang tanga sa noo para sa gayun ay maiwasan mo sya bago kayo maging close?Anong vitamins ang kulang sa tangang tao?Magiging tanga rin kaya ang uod na kakain sa kanya kapag pinatay ko sya ngayon?Bakit…”Tol,nahulog…he he!”Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyang pangyayari.”Gumulong,pabilog kasi eh!…”Hindi gumagalaw ang labi ko pero parang sinabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa loob ng bibig ko.”Putang ina mo…tanga!”

Winalis ng crew ang nagkalat na lupa at paso at ang munting bonsai.”Sir,gusto nyo bang ilipat ang halaman?”Lalo akong nayamot…una,hindi iyon halaman,bonsai yun!bonsai!!!!!pangalawa,ilipat saan?Sa palad ko?Ah alam ko na…sa ulo na lang ng kasama kong walang laman…”Tol,bayaran ko na lang sa susunod yung puno mo ng kamatis…gusto mo yung nagbubunga na eh!”Ngumiti na lang ako sabay kagat sa fried chicken na nooy nawala bigla ang lasa at linamnam.Iniisip ko na lang na iyon ay ang leeg ng kasama kong gusto kong patayin sa mga oras na iyon.At least,sa bandang huli,natutunan ko na marami pang tutubong bonsai pero bibihira ang maka kilala at magkaroon ng kaibigang tanga…tsk tsk…

WANTED:BONSAI,WORTH 300…TRUE MINIATURE OF A GROWN UP TREE,SWINGING LIVE MINIATURE MONKEY IS A PLUS!!!PLEASE REPLY IF YOU KNOW WHERE CAN I GET ONE…

Sayang,sana nakita ko na lang sya sa ibang pagkakataon…Sayang talaga!

10 Responses to “Ang Buhay At Ang Bonsai”
  1. hahahah wat should i say pre?!!! lol nywy “Kapag pala wala kang ginagawa…marami kang maiisipang gawin.Gagawa ka at gagawa ng paraan para may paglaanan ng oras pero kapag gagawin mo na ang naisipan mong gawin,tatamarin ka na naman.At iikot lang ng iikot ang oras mo sa pagitan ng pag iisip ng gagawin at pag iwas sa naisipang gawin” walang hiya pre anu b tlaga ung past life naten magsyota b tau or magsoul mate and worst magasawa? lol (ganyan din ako eh…)
    fist comment bah :D
    ang aga ng karma like wat u said s isang blog mo n naniniwala k s karma ryt?! kya nangyari ung s pinakamamahal at pangarap mong bonsai dahil naging demonyo isip mo ng pumayag ung tindera n ibibigay mo nlng ung kulang pagbalik mo sa tagaytay (in your dream ika nga)
    well that will remind me na maging patas s lahat ng bagay kahit ang buhay naten ay di patas sa lahat ng pagkakataon lol

    ge lessthan 2wiks nlng nndyan n ko :D ciao…

  2. nyahahha!!!tol,lets say we’re bounded by fate.you just can’t sometimes choose the people you meet but i am so glad na naging magkaibigan tayo.almost into gaming pareho,di man natin aminin,perphaps eyeing on the same girl siguro way back in hi school…third year ba tol?bagong girl?transferee?pucha!…nyahahhaha!!!baka may mag react!equally have the talent to draw,and the gift of good judgement(that i lack now in sort of ways) but i am so glad you’re becoming so fond of reading all this stuff.he he.flattered ako pre or boring ka lang….nyahahahha!!!!

    going home in two weeks!drop by pare…or drop dead kapag umalis ka ulit ng di mo ako dinaanan dito.ingat as always.di ka babantayan ng guardian angels.you look at your back in your own,damn.sige sige!salamat sa comment.dapat pala binigay ko na yung singkwenta petot.karma nga yata!nyahahaha!!!bili ko bago pag may nakita ako na maganda for cheap he he!karma shit!nasobrahan ako sa naruto!hahahaha!!!

  3. hahahha so be gud always para wlng karma…narutio?! u always watch it?! mmmm complete ako episode nun starting shippuden episode 1-to the latest :D try mo magbasa sa onemanga.com para makita mo story :d lets just say im not that busy so i was able to read ur blog minsan lng kase tlg ko mabakante.heheheheh gus2 ko irefresh mo sken ung third year tau bagong girl transferee :D ge see u soon, dont worry im not into drinking habang nakikipagkwentuhan :D so di ka malalasing :D ciao

  4. awwww buti na lang di ako dumb… hehehehe anyways, In life, we simply don’t know whom we are going to be our frens..so u need to have a long-tempered..Some have good friends while others have bad friends (dumb include where?), hehehe i agree na sana may SIGn ung mga dumb sa noo actually di lang mga dumb dapat may sign pati mga not so true frends.. hehehe actually may guidelines in choosing frens, kung puede sana u can give it sa mga taong ma eencounter mo, just to make sure they are fitted to be ur frend, kaya lang di puede..awkward naman kung mamimigay ka ng flyers juts to make sure.. hehhehe, so u have to accept kung cno magiging frends natin, balahura man, tanga, matalino, maganda, pangit and so on… heheheh un lang po…:)

  5. nyahahaha!life works like magic…you find things in places where you wont expect them to be…friendship works the same way.”life’s a box of chocolates,you never know what you gonna get…”famous line sa forrest gump.but you will glad to find out through time na they have their share of joy and pain and memories sa’yo.and when you are old and look back,you may smile to learn na somehow,they had been part of your search for happiness.di rin naman tayo perpect na kaibigan but we give our best shot to be…and i think that’s enough to say na naging mabuti tayong kaibigan….

  6. aldous!!!

    andito na ko sa blog mo..actually nabasa ko na to hindi lang nakapag
    iwan ng bakas hehehe!!! ano pa bang pwedeng sabihin????ako kse
    pag wala akong ginagawa na iisip kong mag yosi para may magawa ako
    habang nag iisip.amf gulo diba..anyways again naka gawa ka na nman
    ng OBRA mo na sadya naman na kakapulutan ng aral kahit pano!(joke)
    may kahit pano talaga…hihihi!inulit ko xang basahin kse nung un parang
    hindi ko na naintindihan gawa ng marami akong iniisip that tym cenxa na
    ngayon nabasa ko xa talaga nman napahagalpak ako ng tawa..hindi ngiti
    hindi basta tawa lang buti na lang walang tao dito)APIR!!!para naka2
    tuwang OBRA ni BIBONG MATCHING!!buti na lang hindi ako tanga hihi
    may sayad lang hehe paki sabi na din sa kaibigan mo na naka basag
    ng paso ng bonsai mo inom xa maraming ampalaya shake at baka saka
    ling mahunasan ang pagiging ano nyan hihihi!anyways again IDOL alamat
    ka na sa pag sulat sana hindi lang kaming mga kaibigan mo ang maka-
    basa ng mga OBRA mo subukan mong ibahagi sa iba lahat ng talento
    mo!!!alam kong isa kang TALENTADONG! tao

  7. ang tagal ko hinintay ang sasabihin mo sa gawa kong ito…everyday i wait…nasanay talaga ako na nag co-comment ka eh.thank you.the story is simply true.madali sya isulat kase di mo na kailangan mag isip ng kwento.magandang kwento ng experience lang tong mga sinusulat ko so forget about me calling “TALENTADO”…siguro nagkataon lang na napag sunod sunod ko sa utak ko yung mga pang yayari kaya medyo naintindihan ng mambabasa…hanggat andyan kayo,mga kaibigang sobrang natutuwa at nagpapatuloy na sumuporta sa libangan ko…sisige lang ako ng sisige everytime na di ako tinatamad at nababagot katulad ngayon…

  8. ahahahahahaha!!! manlalait!!!!
    nyeks, balik ako sa trabaho…. nakakatuwa cya kuya, nakakalibang, parang diary…

    napansin ko lang, marunong kang pumili ng salita para makita ng reader yung scene na nakikita mo sa isip.
    pero kuya, ano pa ung mas malalim na issue na gusto mong sabihin?

    revelation ng pagkatao mo?

    wake up call para sa mga tanga?

    ang bonsai ay hindi namumunga ng kamatis?

    para masabing napikon ung babae matapos mong matawaran ang bonsai na kuno..?

    effective pa rin katulad nung iba..

    pero may kulang.. ito lang ba ung laman?

  9. asar..kuya nabasa ko dito sa isa sa mga reply mo sa kanila na parang gusto mong sabihin na nde mo alam kung ano ang darating sa buhay ng tao…..? so un un? (huuhuuhuuhuuhu sorry po kuya pero nde ko nakita un….ikaw naman kase…pero sabi mo maglagay ako ng opinion….sorry tlga..pero nde ko talga cya nakita…)

    wag ka mapupukon sa akin ha….huuhuhuhuhuhuh

  10. whahahahaha!honestly,i think yung ‘LIFE’S A BOX OF CHOCOLATE,YOU’LL NEVER KNOW WHAT YOU GONNA GET’ will always be true.we just have to make the best out of it,yan yung moral ng forrest gump movie (1994) ni tom hanks.did i offended anybody…i don’t think so.kase,a friend will always be a friend no matter how you brand them.’hoy,GAGO!paabot ng yosi!’ ‘FUCK YOU!mas magaling si hulk hogan kesa kay money pakyaw!’ ‘ULOL!nakikiamoy ka lang,ikaw pa mareklamo!’ ‘BOBO,mas sikat si francis babilonia kaysa kay francis magalona!’ you see,after all the slandering that you never mean to them,they will still sit with you for a coffee while watching the sunset.that’s the beauty of real friendship,that’s how true friendship works.’TANGA,baka di mo na gets sinabi ni jo!’

    thank you sa comment jo…i really appreciate what you say.

Leave a Reply