ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!

Alam kong tinatanong mo kung saan ako kumukuha ng kapal ng mukha para mag astang writter.Sige,papaliwanag ko kung bakit ko ito ginagawa pero liliwanagin ko na hindi ako WRITTER,hindi MANUNULAT,hindi MAKATA at higit sa lahat hindi iba sa karaniwan.Ako lang yung nakilala mong ako.Walang daya,walang panlilinlang.Ako lang talaga.

Inspirado lang ako ng mga bagay na nakikita ko sa paligid,mga bagay na nakikita mo rin.Hanga ako sa mga nagsusulat ng kanilang sariling blog,maraming marami na akong nabasang blog.At marahil dahil dun,narito na ako para mag sulat ng sarili kong blog(kahit hindi ko alam ang definition kung ano ba ‘tong BLOG!)astig ang tunog-BLOG!Para lang pintong isinarang bigla.BLOG!para lang batang tulog na nahulog sa higaan.BLOG!Para lang ulo kong iniumpog sa pader….

Kung writter ang gagawa ng BLOG,malamang,dadalhin ka nya sa lugar na hindi mo pa nakikita ni sa panaginip mo,pag iisipin ka nya ng mga bagay na hindi mo makukuhang pag isipan,mamamangha ka sa nakita nyang nakita mo rin sana kung naging writter kang katulad nya.May tapang ang bawat salita nya.May lakas at paninindigan sa bawat talatang kanyang tutuldukan.Paiibigin ka nya ng kanyang tula at pag aalabin ang damdamin mo ng bawat salitang kanyang bibitiwan.Yan ang WRITTER…malaya syang pinanganak para palayain ang kaisipan ng iba.Tapat ang bawat akdang sinusulat,nag iiwan ng pangangarap at pag asa sa puso ng mambabasa.Gumagawa sya ng awit na nagbibigay ngiti sa puso ng bawat isa.Dakila ang tunay na WRITTER.

Sa kabilang banda,eto naman ako.Inggitero kaya nag susulat.Walang eksaktong patutunguhan ang mga paksa.Laging may pag aalinlangan ang sinusulat,walang tapang para makialan o marahil ay sadyang walang paki alam.Nangangarap na magkaroon ng mambabasa at natatakot na mag karoon ng mambabasa.Pero sadyang matigas ang mukha at may lakas ng loob para ipagpatuloy ang kalokohang naiisipan.’Di ako writter at kailanman di magiging writter.Kulang ako sa kaisipan na magpapabago ng buhay ng iba sapagkat sablay din ang aking buhay.’Di perpekto na parang mga naiisipan kong isulat.

Alam kong marami rami na rin akong naging kaibigan sa Net at sa totoong buhay na nakilala at nawala at natagpuang muli dito sa friendster.Sila yung makakabasa nito kung saka sakali na maisipan nilang basahin ang mga pinagsususulat ko dito.Sila ang dahilan kaya ako nagsusulat.Baka mas makilala nila ako sa paraang ito.Baka mas tumaas nang bahagya ang pananaw nila sa kasalukuyan nilang pagkakakilala sa akin.Baka mas pumogi ako sa paningin nila.He he.Mga dating kamag aral sa highschool at college.Kapit bahay at kasamahan sa trabaho.Mga on-line friends na nakadaupang palad at di pa nakakadaupang palad.Mga iniibig at inibig ng lihim,at higit sa lahat,mga hindi ko kilala na dito ko lang nakilala sa BLOG.Salamat po.

Kung kulang man sa alat at tamis o anghang ang isinusulat ko,lagi naman itong mananatiling totoo o malapit sa katotohanan.Posibleng hindi sa katotohanan na inaasahan mo o sa katotohanang alam mong iba sa katotohanang alam ko.Sa ganung pangyayari,sorry po.Posibleng di tayo akma ng iniisip pero tignan mo na lang yung bagay  na nagkakatugma tayo.Kung sadyang nalabag ko ang pananaw mo,maari mo akong itama.’Di ako mapagmalaki at hindi sarado ang isip ko.Lagi akong may oras para mag aral mula sa buhay mula sa iba’t ibang taong mas naging dalubhasa sa bagay na kanilang pinag daanan.

Ngayon,alam mo na ang dahilan.Huwag kang magbabago.Magbasa ka pa rin at salamat kung itong BLOG ko ang iyong napili.Ayoko lang kasing titigan anglapis na may matulis na tasa,mahaba at may pamburang walang pingas.Mas gusto ko syang makitang maikli,pudpod ang tulis at halos maubos ang pambura.Doon ko lang makikita na sya ay sumubok,nagkamali,pinilit itama ang kanyang pagkakamali at nagkaroon ng saysay ang kanyang pagkalapis…

Image Hosted by ImageShack.us

7 Responses to “Teka,Magpapaliwanag ako….”
  1. nice aldous… hehehe…. i didn’t ur a writer… i like what u wrote… anyweiz, sulat lang ng sulat so you can inspire others n gusto ring mging writer like you… and nice drawings huh… tc…

  2. bOngang bonga… ang husay m!

  3. ERA,aba’t nagbasa!salamat era!

    Hannah!!!isa ka talagang super dupper to the maxx na komentarista!!!!

  4. hi aldous, this blog is superb! grabe, you’ve got the talent friend! pagyamanin mo pa lalo! nabasa ko pati ang pag do drawing nyo ni bayben ng komiks! nakikita ko pa yun dati!
    tapos naaalala mo pa ba yung sumulat ka ng puro kalokohan sa subject ni mam Deduro..teacher natin sa filipino..
    just keep in touch!

  5. whaaaaaaaa!!!pinababaha nyo ako ng memory jam.natatandaan ko yung kay mam deduro.feeling ko nuon habang binabasa nya yung formal theme writting ko sa harap nang klase eh para akong naging sinlaki na lang ng fungi…kakahiya talaga.lahat halos ng klasmeyts natin namatay kakatawa sa sinulat ko habang ako naman namatay sa kahihiyan.iniisip ko kasi nun na di nya babasahin yung pinagsususulat natin kaya lakas loob kong sinulat yun.nyahaha!!!kitang kita ko pa sa memories ko kung paano nya pinunit sa isang bilyong piraso yung papel ko.it was good to look back on how we spend those years in highschool.nakakamiss and given a chance,i would start my life over dun sa klassroom natin.it was the best years ng buhay ko.sana,high school na lang ako lagi.nyahahaha!!!!

  6. WoW……….. isa itoNg mAsterpiEce n bOnga pra sa lahat… Pgbutihin mpa kUa aldous aja! mEow

  7. ps @ jam,sinumbong nya ako kay ma’am toribio after nun and sinermunan ako ni mam toribio in between sa mga tawa nya sa pinag susulat ko sa theme.”you’re one hell son of a bitch!yun siguro naglalaro sa isip nya habang sinesermunan ako.kamusta na kaya sila?tumatanda kaya ang teacher???si sir papa di pa rin nagbago ang tikas.papang papa pa rin.damn,those weeds must be working;))nyahahahha!!!!additional na balita kapag meron kang nasagap na impormasyon.it was good to look back…nakakatuwa talaga;))

Leave a Reply