ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!

Image Hosted by ImageShack.us

Hilig ko rin ang gumuhit,para sa mga nakakakilala sa akin,mas mahusay daw ako sa paraang ito kaysa sa anupang talento na nagagawa kong pilit…nagsusulat ako ng mga lathalain noon sa pampaaralang peryodiko,nagawa ng komiks na may sariling bida at istorya,gumagawa ng tula,nag bubuo at nag didibuho ng kung anong bagay mula sa piraso ng bato o putik at nag gugupit ng kung ano anong retaso o papel at karton upang bigyang buhay sa piraso ng likhang sining na ako lang ang nakakaintindi…

Isa ito sa marami kong libangan na lagi kong  ginagawa.Siguro sadyang laki lang ako sa Batibot at mga Komiks kaya masyadong nahilig ako sa pag kukuwento,pagsasalaysay ng istorya at pag gawa ng mga bagay na pangbata.Yun kasi ang usong uso nung kamusmusan ko.

Eto yung panahon na ang mga bata ay marunong pang mag laro ng tumbang preso,syato,patintero at 5-10’s…taguan at kwentuhan ng nakakatakot kapag brown out,di pa uso ang PSP at playstation at sing mahal ng ataol ang family computer para maka paglaro ka ng super mario,contra,pacman at galaga…

Alam kong may bahagya akong talento sa pag guhit noon ng nag simula akong gumawa ng mga komiks kasama ang mga kaibigan ko’t kamag aral(Edcel…asan ka na kaibigan?)Grade 3 kami noon at sa ginupit na manila paper namin gagawin ang komiks na iipunin naman ng kaklase naming mayaman kapalit ng laruan na dadalin nya.(Siguro ipagmamalaki naman nya sa ibang kalaro niya sa kanila na sya ang gumawa nang komiks pag uwi nya…at malamang walang sasansala sa kanya kung bibigyan nya rin ng mga laruan ang mga papabilibin nyang kalaro…)At dito nagsisimula ang pulitika sa kamusmusan pero dahil hindi tungkol sa pulitika at panunuhol ang kwento ko,babalik na ako sa gusto kong iparating sa mga mambabasa…

Balik sa komiks…3rd year high school ako nang makilala ko si Jassean Bayben,sya naman ang naging partner ko sa pag gawa ng comics inspired ng xmen at marvel sa amerika.Di ko na matandaan ang pangalan ng super heroes group na ginawa namin pero iyon ay base sa grupo naming magkaka eskwela at magbabarkada at ang mga super villains naman ay ang mga kinaiinisan naming mga kaeskwela din at karibal na barkada.Dito naman nagsisimula ang partido ng politika pero again,di na naman iyan ang kwento ko…si Jeassen po ay walang iba kundi si Troll Warlord sa featured friends ko…(tol paki refresh mo naman yung tungkol dun sa comics na ginagawa natin nung third year…)

Nagpatuloy akong gumawa ng komiks sa Meralco Foundation pero this time,wala na akong mga talentadong ka partner dahil natuklasan ko na ang talent ng mga taga MFI ay pang seryosong talent tulad ng teatro,paintings,poetry,dancing,singing at may ilang walang talent maliban sa magbasa at mag solve ng derivative at limits at hanapin ang value ng X,Y at Z…

Sa URC,nagawa pa rin ako ng komiks pero may halong politika na ang tema kung kayat pinagbawalan ako ng boss ko na lumapit sa blangkong papel kung may hawak akong anumang maaaring ipang sulat…

At yan ang istorya ng aking pag guhit.Ito nga palang mga gawa ko ngayon ay ginawa ko sa paint sa PC gamit ang mouse button na natuklasan kong alternatibo sa lapis pentel ballpen uling dahon at kung ano ano pang pwedeng ipang guhit.

P.S.;minsan nahuli ako ng kasama ko na natuluan ko ng laway yung drawing ko dahil nakatulog ako sa pag iisip kung gaano kalaki ba dapat ang butas ng ilong ng drawing kong babae…pinuri niya ako at sinabing di nya akalain na kaya ko rin palang mag drawing gamit ang pumatak na laway sa bibig ko….

7 Responses to “DRAWING KA!!!! DRAWING!!!!”
  1. ALDS dapat ipagpatuloy mo yan,alam mo ang feeling pag ngawa mo ang gusto mo. may talent ka nman sa pagguhit khit gwin m lng hobby yan at least nga2wa mo ang hilig mo,nta2wa lng ako sa cnabi mo na ntuluan pa ng lway yung drwing mo hehe.kaya mo yan.. . .

  2. salamat rhana,each time na may spare time ako,i usually did waste those time either sa pag sulat,pag guhit o pangungulangot.nya ha ha!!!

    oo hobby ko talaga to…katunayan nung nag aaral ako,mas marami pa akong na isulat at na-i-drawing sa notebook ko na walang kaugnayan sa aralin namin.ginagawa ko rin tong pag do-drawing in between sa mga meeting sa opis…yung tipong tinatakas ko sarili ko sa meeting place tas naglalakbay yung isip ko sa subject na dino drawing ko.he he he!

  3. wow kuya galing mo pala mag drawing…nung highschool ako mahilig din ako mag drawing, yung ibang design ko kinukuha ng uncle ko ginagawang design nmn sa tela… wehehehe .. ngayon di nako nag dradrawing wala na kasing inspiration…

  4. salamat sa munting papauri,nakakatuwa…salamat jhoi for reading may blog…inspiration ba talaga kailangan or just the passion to do what love most?di rin ako sure kase either inspired or deppressed or wala lang akong ginagawa,i do draw or write…hope you find your reason to go back in drawing…

  5. sensya n pre sobrang busy ako ngaun kaya di kagad n kapag comment and i already read this blog siguro 3wiks n ata un and yet d ako nakapagcomment cuz im really busy and wl ko masyadong time….amp wrong spelling ng name ko medyo ok n ung una pus lalong sumablay s pangalawa lele (kainis xD)..mmmm wait ill review this blog….like wat uve mentiond about ur comics…mmmm..i remmber my hero was speed blade and ur look alike ni bishop n karagado ng mga heavy ammunition meron p ngang pana…mmmm i think i can still draw my hero and urs para maalala mo ung itsura nila…i think i can still draw,only i need time and space to refresh my skill (skill nga b un?!) nywy i think kilala ko ung babae sinabi mo n drinodrawing mo n nkatulog k =)) and isa lng tlg masasabi ko since halos pare ng pinaglakhan nten and mga namulatan nung kamusmusan nateng dlw kya siguro halos pareho tau ng mga hilig,pananaw and kung anu ang buhay…:D ge pre lapit n ren tlg ko umuwi,ung mga kasama ko nakapg asikaso n ng bagahe ako… :D di pa nagiistart gus2 ko kase pagnagasikaso ako hawak ko n plane ticket ko para ganahan lol

  6. indeed pare,hindi nakakahiya yung kabataan natin dahil yun talaga tayo.at least di tayo lumaki lang na walang lilim…ika nga may pinagkatandaan.
    Ha ha!!!Typo error yun pre.Malandi kasi pangalan mo eh.jeanalbie jassean t. bayben.sa haba nyan di ko naitanong sayo kung paano mo nalampasan ang grade1.nya ha ha!!!salamat sa walang katapusang pag babasa.Mag ingat ka lagi jan.At umuwing ligtas dito tol!hinihintay ka ni mare at ng mga anak mo.daanan mo na lang ako dito.

  7. bongang bonga hahaha husay!

Leave a Reply