STANDING LONG ENOUGH TO SIT DOWN AND WRITE…
Posted by: scrammbledeggs in Mga Kwentong WindangNakatayo,nakatanghod,nakatanga,nagmamasid,nakikiramdam at nagmumuni…wala akong iniwan sa karamihang tao sa paligid ko tuwing nag iisa at walang ginagawang importante.Witness lang sa paglipas ng oras na hindi ko napapansing gumagalaw maliban sa mga bahagyang pagtingin sa pambisig kong relos…
Sarado ang tindahan sa tapat ng bahay…pangalawang araw na itong sarado.Wala ang mag asawang may ari dahil ang dinig ko ay naaksidente sa motor at kasalukuyang nasa pagamutan at nagpapagaling.Naglalaro ang kanilang anak na sa tantya ko ay edad apat na taon.Hindi marahil alam ang nangyari sa kanyang magulang.Sana naman hindi grabe kasi mga kaibigan ko ang mag asawa.Lumingon sa akin ang bata sabay mostra sa eroplanong pinaglalaruan na pinaglalayag nya sa hangin habang hawak ng kamay.Nginitian ko sya at gumanti sya ng ngiti.Naisip ko na posibleng tinatanong rin nya sina tita at tito nya kung nasaan ang mama at papa nya.Na siguradong di bibigyan ng katotohanan na sagot dahil hindi pa rin naman nya maiintindihan ang nangyari…o kung sa akin,iiiwas ko sya pag aalala…gagawa ako ng kwentong di ikalulungkot ng bata nyang puso…
Mabilis ding gumalaw ang pila ng trycicle na walang pagod sa yao’t parito sa paghahatid ng mga pasaherong sasakay ng jeep sa labasan papunta sa kung saang pupuntahan.Ganito lagi pag umaga.Kailangang bitiwan ang almusal para isakay at ibyahe ang pasaherong nagmamadali lagi.Iwanan ang tasa ng kape na dun na rin hinihigop sa pila upang balikang malamig na o kung mas minamalas,hinigop na ng kasamahang di man lang naisipang umorder ng sariling tasa ng kape na serbisyong binebenta naman ng isa ko pang kapit bahay.
Nandoon sa gilid ng bahay ang nanay ko na abala sa kanyang daily routine,pagpapakain ng manok,pagdidilig ng halaman kung minsang naging madalang ang patak ng ulan,at pag hihiwa hiwalay ng mga dahong gulay na binili nya sa palengke para ipakain sa alagang hamster na tinamlayan ko nang alagaan kase namatay yung inahing babae pagkapanganak at ang natira ay dalawang lalaking hamster na anak at ang asawa nyang barakong hamster.Ngayong di na sila dadami,naisip kong pointless nang asikasuhin kaya nanay ko na ang nag aasikaso.
Sa sulok ay ang aso naming si Dao na ipinangalan namin sa sikat na miyembro ng F4 nung kasagsagan ng F4 fever.Mga anim na taon na siguro sya…pigtal ang isang pangil sa baba ng bibig,may record na puro talo sa labanan ng mga aso sa tapat ng bahay,malinis na record ng pangangagat na ikinatuwa ko.Asong walang tapang sa katawan,yan ang magandang description sa kanya.Kahit may pumasok na akyat bahay dito,siguradong di man lang mangingimi sa kanya kung kilala nila ang pagka aso nitong si Dao…paulit ulit lang itong magkakawag ng buntot,nganganga,mag iinat at bahagyang tatahol para lang siguro ipaalala sa akin na kahit papaano ay buhay syang aso.
Mga halamang alaga rin ng nanay ko,orchids na iba iba…at kung anong mga halamang di ko naman alam ang tawag dahil karamihan ay galing sa bundok at kagubatan ng Mauban,Quezon na laging pinupuri ng mga mahihilig din sa halaman na taga rito na alam kong ikinatutuwa ng nanay ko dahil sya lang yata ang may ganitong halaman sa lugar namin.Minsan ko na sa kanyang sinabing illegal ang pag ta-transfort ng flora ang faunas mula sa mga gubat.Wala kako syang permit sa DENR at kapag nahuli sya ay makukulong kaya tinigilan na nya ang pag kuha kapag nagpupunta sila dun sa kaingin ng tatay ko sa Mauban,he he!
Pag tapos ng sight seeing,papasok ako sa bahay,sisilipin ang anak kong natutulog,na parang laging sabik sa tulog,iniisip ko kung saan sya dinadala ng panaginip.Tanda ko nuon na kapag bata ka pa raw at walang sapat na isip,kalaro mo ang mga anghel sa pagtulog.Gusto ko nang maniwala dahil may mga pasingit singit na ngiti sa labi nya habang natutulog sya.Sana nga ganun ang lahat ng natutulog kahit hindi na bata.
Kaso ang katotohanan,kapag nag simula ka nang magkaroon ng sapat na isip,nililigalig ka sa pagtulog ng damdamin mo tungkol sa mga bagay bagay na kinatatakutan mo at ikinatutuwa.Yun daw ang paraan ng Diyos para suriin mo yung sarili mo at kausapin ka nya.Ewan ko kung kasama dun sa paraang yun yung wet dreams.Wha ha ha!!!Yun siguro ang dahilan kaya di ako nananaginip.Ayaw na ako kausapin ng Diyos mula nang tumigil ako sa paniniwalang may langit at impiyerno kapag namatay ka na naghihintay depende sa nagawa mo habang nabubuhay ka.Eto lagi ang topic minsan ng mga intellectuals kong workmates sa trabaho.Religion at langit at impiyerno at kaluluwa at paghuhukom at…lahat ito hindi ako intresado….
Papasok ako sa kwarto at bubuksan ang pc at mag susulat…
Sa obserbasyon ko,at pagtungin at pagsusuri,nagkakalakas ako ng loob mag bahagi ng kwento…
Sapat na itong dahilan para gumising sa umaga…maging sensitive ng konti sa paligid,makita ang paligid na ginagalawan.Ngumiti at sulyapan ang mga taong minamahal,at mangarap ng mas magandang bukas para sa kanila…
Entries (RSS)
Minsan sa ating pag-kwekwentuhan sa YM, nabanggit mong sana’y maging magkapit bahay tayo… naisip ko tuloy habang binabasa ang mas nauna mong salaysay na pinamagatan mong “Survivor: KAPIT-BAHAY” na ikaw pala’y napalilibutan ng kakatuwang mga kapit-bahay, kakilala, kaibigan at kapamilya. Naalala ko ito dahil ang kwento mo ngayon ay tungkol pa rin sa inyong komunidad.
Nakatutuwa ang nanay mo… Mahilig din kasi ako sa halaman… sana ay nakapapanhik din ako sa bundok at makakuha ng mga kakaibang halaman… at kainggitan ng mga kapit-bahay.. wag lamang pahuhuli sa DENR… nyahahaha…
Naaawa ako sa mag-aamang hamster na na-ulila ng inang hamster… hindi ko alam kung bakit hindi mo nagawang isalba ang buhay nito habang siya’y nagluluwal ng mga sanggol na hamster… malamang ay naubusan siya ng dugo…Hemorrhage siguro ang kinamatay… sa kwento mong ito ko na-appreciate ang mga NURSES… ayokong mamatay tulad ng hamster dahil sa panganganak.. buti nalang at hindi ka naging nurse… hehe
Wala akong masabi sa alagang mong aso… haha… magpasalamat ka na rin dahil tumatahol siya at hindi humuhuni. Marahil ay hindi lahat ng ASO ay nilikha upang mangagat ng tao… malay mo.. sa kapwa aso lang pala niya nais makipag-kagatan.
Sa iyong pagtulog sa gabi… hindi mo namamalayan na napapangiti ka din… nakikita ka rin ng anak mo.. at mapapaisip siya… nakikipaglaro ang aking ama. ( ^ - ^ )… ang tanong… sa anghel ba? o sa *****… bahala aka na sumagot niyan. hehe
P.S.
Pwede rin ba akong magtapon ng basura mo?? para kumita ako ng 5 piso? hehe…
nya ha ha…i am so happy that you read all this stuffs and even share your thoughts about this…nakakataba ng puso.how you appreciate this makes me go on and write more.hope this was more on your passion of reading rather than just for the sake of reading this dahil friends tayo.he he!
i just don’t dream to often so i doubt i smile at night in my sleep.and about DAO,siguro i was just lucky to keep a pet na di masyadong wild and it was a good thing in a way,yung hamster actually yung inahin nila barely survives till namatay right after na yung mga anak nya ay malakas na to survive in their own.talking of mothers sacrifice.she could have chosen to die before but she just died later but sure that i will never know.
salamat sa comment.all this was in the goal of sharing what i saw in my own perspective.
waaahhh…. “hope this was more on your passion of reading rather than just for the sake of reading this dahil friends tayo.”—- ang drama…
I read your works not because you told me to do so… or because we’re friends… alam mo naman na even before pa tayo magkausap sa YM e nagbabasa na ko ng mga works mo sa forum… I read those because it interests me…
Hindi naman lahat ng tao katulad mo… like asking questions without the genuine intention to know the reply… hehe… sino kaya yun?? ( ^ - ^ )
hmmm… Wag sana tumaba ang puso mo… delikado… nakamamatay yun… hehe… just kidding… well… till then…. I’ll be waiting for your next posting… continue writing… continue sharing… this is a notable way to immortalize yourself… inspire us more… hope to catch you sa YM soon… kindda sad tagal na nating walang discussion…
God Bless Bro.. ( ^ - ^ )
ayun oh!sumimple pa ng patutsada!
na miss kita sobra sexy!
i should be thankful for such comment,indeed sinusubaybayan mo yung progress ng pag susulat ko,or maybe you are about to wait to criticize me,he he…
but i don’t mind at all kung yung critiszm sa kaibigan manggagaling…salamat talaga.di na ako nag po-post sa forum ng topics ko una,masterpiece kase yung title,di intresado yung karamihan and most of all,mas marami akong friends,schoolmates and workmates na magiging possible readers ko here…
for the inspiration…and for being there for me…
i thank you…
mmmmm… so ganya pl daily routine mo?! or pagwl k lng pasok?! mmmmm anu ky life ko paguwi ko ng pinas?! i think magiging hectic and oras ko cuz i had so much schedule to be done paguwi,bisitahin mga old friends and mga kamaganak and share ng kunting pasasalamat s ngyari sken….and priority ko ung pagalis ko ule papuntang austriala…. wish me luck pre who knows bk mapasabit kita dun?! ciao