Sayang hindi ko makuhang makapanood ng Survivor:Philippines, dahil sa pabago-bago kong schedule at bahagyang pagkalulong sa chatting at internet.Maganda pa naman ang concept ng laro,mga cast aways na dinala sa isang liblib na islang may birheng kagubatan,isolated na lugar para mag survive in a everyway gamit lang ang environment na available at yun nga ay ang isla…
Pero mas magandang i-visualized ang survivor na naglalaro sa isip ko ngayon,real life story,real life drama.Isang pamilyang pinagbuklod ng kapalaran,namumuhay sa ginagalawan mong kumunidad,walang camera,walang televiewers,tanging mga minsang sulyap lang sa kanila at minsang pagtutok…
Survivor Cavite…
Eto,kapit bahay namin ang kwento ko…tawagin na lang natin silang Adams Family…Nakatira sa malapit sa ilat(hindi ilog,hindi sapa,hindi kanal,hindi estero pero laging basa at may tubig na umaagos dapat kaso naging stagnant dahil sa naipong basura )Maliit na bahay na yari sa pinagtagpi tagping yero karton lata dyaryo plastic,salamin,bahagi ng kotse,bahagi ng spaceship,gulong,goma,kahoy,bakal,stapler,pandikit at kung ano ano pang materyales na ginamit para maka buo ng bahay…
Para mas makilala mo ang kalahok/karakter sa naturang totoong reality program.Ipakikilala ko sila ayon sa pagkakakilala ko sa kanila.
Mr.Adams:Payatot na haligi ng tahanan…walang trabaho maliban sa tumayo,sumandal,umupo maghapon sa kanto ng eskinita(nataong corner lot ang bahay ko ng eskinita)Putol ang isang paa at bulag ang kaliwang mata.Palangiti(sa akin)at tadtad ng tattoo ang balat.Pagbinasa mo ang nakasulat,sasabihin mong walang sense ang tattoo nya tulad ng drawing ng mga stick na nakalagay na parang roman numeral,insektong di pa natutuklasan,dragon na parang ewan,salita tulad ng ‘wawa’(na dahil sa curiosity ko at closeness namin,tinanong ko kung ano yung wawa,mama daw dapat yun kaso namali sya ng pwesto ng braso habang tina-tattoo at pabaliktad na nailagay sa balat nya ang ‘mama’)’kid’ ‘totoy’ ‘hESuS’ at ‘21’…at iba pang marahil ay peklat o balat na…
Mrs.Adams:Mabilog na ilaw ng tahanan,dihamak na mas bata sa edad ni Mr.Adams at laging may kargang bata.Bulok ang unahang mga ngipin kaya hindi pala ngiti ngunit sa pagpapalaki nang mata at pag angat ng sabay ng kilay ang paraan nya ng pagbati sa akin.May anim na anak na halos magkaka-sunod.Naghahanap lagi ng magpapalaba at magpapaplantsa ng damit,madalas akong tanungin kung pwede pa kaya sya sa pabrika na madalas ko namang sagutin na siguro kaso walang opening sa amin…
Adam Panganay:14 yrs old,elementary drop-out,naninigarilyo at nainom.Tinakwil ng paa niya ang sinelas o sapatos at ng katawan ang pang itaas na damit…walang bukang bibig kundi murahin si …
Adam No.2:Twelve yrs old siguro,pero iisipin mong kambal sila ni Adams Panganay sa laki,taas,at payat ng pangangatawan,nakita kong naninigarilyo pero di ko nakitang nag-iinom,nagsisinelas paminsan minsan at nagdadamit pang itaas pag may okasyon,laging nagtatanong kung may basura ba raw na ipapatapon o papalinis ko ba raw ang motor ko…
Adams No.3,4,5:Nasa edad na 7-11 yrs oldsilang tatlo pero mahusay lang siguro ang makakapagsabi kung sino sa kanila ang matanda at kung sino sa kanila ang bata…nagpapalit palit ng suot(silang tatlo)at parang may schedule din yata kung sino ang magsisinelas…hindi nag sisipag aral o hindi nagtuloy sa pag aaral at nagsasalitan sa pakikipaglaro kay…
Adams Bunso:1-2 yrs old,maitim na baby,hindi nagsasalita kundi umuungol,umiiyak at tumatawa lang lagi…tuwina’y nakatingin sa mga dumadaang may sinusubo sa bibig…hindi ko pa nakikitang naglalakad mag isa kaya laging karga ng nanay nya o nang nakatatandang mga kapatid.
Hindi ako makapaniwala na ang ganitong pamilya ay nag su-survive sa kabila nang kawalan ng maayos na trabaho ng sinuman sa miyembro ng pamilya…kawalan ng maayos na bahay,at kawalan ng materyal na bagay na makikita natin sa ibang pamilya partikular sa atin dito na may PC sa bahay(ang analysis ko kasi diyan,kapag may PC kayo,siguradong may TV,ref,electricfan,washing machine,DVD, stereo at LPG na kalan kayo sa bahay,bonus na may playstation,Xbox o PSP at Gameboy)Kahanga hanga,kagila-gilalas,at hindi kapanipaniwala pero totoo!
Sa pagsusuri ko at pagmamasid sa kanila,nag su-survive sila dahilan sa dalawang major factor:
1.)Science:Adaptation or survival of the fittest concept siguro…hindi sila nagkakasakit dahil nasanay sila sa maruming paligid,hindi nagsisinelas dahil kinapalan ng kalyo sa paa kakalakad ng naka yapak,hindi nagdadamit dahil sanay sa init at lamig ang katawan,hindi laging nagugutom dahil sanay sa kakaunting pagkain,at hindi nalulungkot dahil sanay sa malungkot….
2.)Religion:Faith can move mountains siguro nga…kada ka kwentuhan ko si Mr.Adams,sa pagitan ng pagmumura nya sa kwento nya,lagi kong naririnig yung salitang ‘may awa ang Diyos’ at ‘sa awa naman ng Diyos’,gayundin daw si Mrs.Adams na kakwentuhan naman lagi ng nanay ko.Pagtinanong ko sya kung buti’t hindi nagkakasakit yung si Adams Bunso kahit nauuso ang sakit,isasagot naman nya sa akin ay ganito:’Putang inang yan,e wala na ngang pera tapos sasabay pa sya,e mabuti’t sa awa naman ng Diyos e walang sakitin sa putang inang mga ‘yan!
Isa pang lagi kong napapansin sa Adams Family ay ang kanilang pagiging matandain.Alam nila halos ang bawat birthday, okasyon, o handaan sa lugar namin dahil hindi sila nawawala sa kahit anong okasyon na may kainan.Marahil may special silang kalendaryo ng mga okasyon naming magkakapitbahay.Isama mo pa ang lamayan,libing graduation,victory celebration ng nanalong kagawad at iba pang biglaang okasyon tulad ng may nagpakaing umuwing OFW,kundi man lahat sila, karamihan sa kanila ay naroon.
Tuloy ang kwento ng kanilang buhay at sa aking pagninilay,habang sinusulat ko ito,naisip ko na maraming bagay sa kanila ang kakainggitan ng karamihan sa atin,o wala sa atin…kung anu ano iyon,read on!
Pakikisama-wala silang kaaway dito,hindi sila pinagsisimulan ng away,hindi sila nakikikampi sa nag aaway hindi sila nagku kwento tungkol sa magkakaaway…
Pagkamatulungin-lagi silang nakahandang mag gayat at magluto ng mga handa sa handaan kung may handaan sa inyo.Lagi silang nag o-offer ng tulong pisikal kahit alam nilang mas malakas ka sa kanila para gawin ang simpleng trabaho(kapag inuutusan akong magdala ng basura sa kanto para sa pick up ng trak,lagi kong ipinapakisuyo it okay Adams No.2 kase sa halagang 5pesos,bubuhatin nya ang basura kahit siguro mas mabigat pa ito sa kanya…o may lamang patay na tao ang sako ng basura…)
Katapatan-hindi sila nahihiyang ikwento ang kakapusan nila sa buhay,kung wala nang gatas si Adams Bunso,kung ilang beses silang lumiban sa pagkain o kung bakit hindi man lang nila nakuhang pag aralin ang kanilang mga anak.Nangungutang sila minsan ng pera pero hindi ko pa naranasan na hindi sila nagbayad.
Pananampalataya-hindi man sila nagsisimba subalit alam kong mga kristiyano sila sa kanilang pananampalataya dahil ni minsan ay hindi ko sila narinig na sinisi ang Diyos sa kung anumang bagay na wala sila o kinakapos sila.Laging pag asa ang hated ng pagbubuntis,at laging nagpapasalamat sa pabalot na iuuwi kapag may natira sa handaan.
Pagmamahalan-ano ang sikreto nila at nagtagal si Mrs.Adams sa piling ni Mr.Adams gayung halos wala namang maitulong ang pilay at bulag na si Mr.Adams sa kanilang pagtataguyod ng pamilya?Bakit hindi hinahayaan ni Mr.Adams na alipustahin o hamakin ninuman sa lugar namin ang sinuman sa mga Adams na anak nya?Bakit hinahati ng magkakapatid na Adams No.3,4,5 ang munting pagkain na nadiskarte ng isa sa kanila gayung kulang pa sa kahit sino sa kanila iyon?Bakit nagsi-share sa isang stick na yosi si Adams panganay at si Adams No.2? Sigurado akong may pagmamahalan na nagbibigkis sa kanila sa kabila ng kakapusan…
At Pagasa-na sana,ang bawat araw ay higit na mabuting araw sa araw na nalampasan nila sa bawat gabing ipipikit nila ang kanilang mga mata upang magpahinga at matulog sa maghapong survivor na pinagdaanan nila…
Yan ang totoong Survivor…24/7,365 and ¼ days a year pero laging hindi natin pinapanoodmaliban sa maikling sulyap o saglit na pagtutok!
Gloria Resign…Ayun!Nagkabahid pulitika!!!Nya ha ha!!!


Entries (RSS)