ANG BATANG TUKMOL,PAPALA-PALAKPAK!

Archive for August, 2008

Inspiration,ito raw ang kailangan ng bawat isa sa atin para maging masaya.Sa pagsusulat,ito rin ang kailangan ng writer.Since hindi naman ako writer,hindi ko kailangan ng inspiration na ito kundi kailangan ko lang ng magandang topic.Sapat na iyon.

Ang kwento ko ngayon ay tungkol sa katotohanan na lagi kong isinasabuhay,ang maging totoo.Pagtinanong ako ng asl ng kahit na sino sa chatroom,di ako nag aatubili na sabihin ang edad ko,Wala naman sigurong masama sa 29 year old na chatter na ang gusto lang ay maglibang.Nya ha ha!ang tanda mo na!reply ng kupal kong ka chat sa room.Siguro nga matanda ako kumpara sa 28 years old chatter pababa pero ang maipagmamalaki ko lang at masasabi ay 29 years had all been good years of my life.When I say good years,hindi dahil good talaga kundi dahil puno ito ng aral na natutunan ko through the years,mga aral na natutunan sa bahay sa piling ng pamilya at kaibigan,sa school,sa trabaho at maging sa ordinaryong araw araw ng buhay ko.Hindi lahat masaya pero lahat kakapulutan ng aral.Nagiging mas mabuti akong matching sa mga sariling experience at experience ng iba.

Eto nga pala ang Top 10 learnings na natutunan ko.Baka sakaling sa pagbasa mo nito,matutunan mo rin siya sa gayung paraan,di mo na kailangan pang pagdaanan ito or kung darating man,may ideya ka na sa mangyayari:

1.Mahalin ang sarili mo.Ang ugat ng kaligayahan o pasakit sa buhay ay dito lahat nag-uugat.Mahirap mag mahal ng iba kundi mo man lang kayang mahalin ang sarili mo.Mahirap magbigay ng saging sa kapwa matching kung gutom ang sarili mong tiyan.Kung magagawa mo ito,hindi mahirap mag share ng pagmamahal.

2.Mabuhay sa piling ng mga taong nagpapahalaga sa’yo.Kung yan man ay pamilya o kaibigan,mahalaga na naroon ka sa piling nila sapagkat sa gayung piling,hindi ka natatakot sumubok at magkamali.Kung mangangarap kang lumabas ng zoo balang araw,sila ang tutulong sa iyo at tatanggap kung sakaling mabigo ka.

3.Maging kontento sa mga bagay na mayroon ka at magpasalamat na hindi mo na kailangang magpakasakit pa para makamtan ito.Halimbawa ay pagaaral,trabaho o Pentium 2 na computer…ok lang yan kesa nasa harap ka ng dual core na PC na may cam at headset pero umaarkila ka lang naman.

4.Huwag lubos na magtitiwala sa lahat ng hindi mo kilala.Hindi lahat ng may balahibo at buntot ay matching.Kaiingat ka na ilahad ang baraha mo sa kalaro sa tong-its dahil kahit gaano kaganda ang baraha mo at pinagtiwala mo ito sa iba,kayang kaya ka na niyang gawing talunan.So save the best for yourself.

5.Maglibang at magsaya.Huwag magmumukmok at huwag ikulong ang sarili sa loob ng isang sitwasyon.Maaring ang matching ay nakakulong sa manila zoo pero ang isip niya at puso ay naglalambaras sa malayong kagubatan at nagliliwaliw sa mga kakahuyan.Appreciate ang magagandang music,magandang tanawin at magandang pelikula or babasahin tulad nito(he he he!)

6.Huwag kang matakot.Ang takot ang nagpipigil sa iyo na maging masaya at malaya.Kung natatakot kang bumagsak,di mo mararanasan ang tumalon!kung natatakot kang ipahayag ang nais mong sabihin,hindi mo mararanasan ang mapuri sa iyong pananaw.Kung natatakot kang sumubok at akyatin ang coconut tree,siguradong di ka makakatikim ng sariwang saging,dahil akyatin mo man ang coconut tree,wala itong saging!isa ka talagang bibong matching na pinaglihi sa kabobohan!nya ha ha!!!

7.Iwasan ang walang kwentang usapan gaya ng politika at relihiyon kung hindi ka pari,pastor,baranggay tanod o politiko.Wala itong maidudulot sa’yo  sapagkat ito ay naghahati-hati lamang ng pananaw.Ito ang dahilan kung bakit hindi bumoboto ang matching sa eleksiyon sa gubat kung dapat pa bang manatiling hari si Lion King.Maniwala sa kaligtasan at sa maykapal ngunit huwag maging makapal ang mukha na magpanggap na relihiyoso.

8.Magpahalaga sa gawain.Ibuhos ang lakas at talino sa mga mabubuting layunin maging ito man ay sa trabaho o sa pag aaral.Hindi mo kailangang makilalang mahusay sa kahit anong larangan subalit hindi mo rin naman kailangang maging tamad sa gawaing sa’yo ay inaasahan ng magulang mo or boss mo sa trabaho.Hindi mo kailanagan ng recognition sa mga bagay na expected na dapat mong ginagawa.Ang recognition ay para sa extra effort kaya huwag kang hihingi ng dagdag na baon or sweldo kung paaso-aso ka lang sa pagiging matching.

9.Samantalahin ang pagkakataon!Walang oras na dapat sayangin.Matulog ka lang kung inaantok ka na or kumain kung nagugutom ka na.Ang apat na oras na tulog ng taong puyat ay sing sarap ng tulog ng walong oras ng taong hindi puyat at higit na masarap kaysa sa taong hindi na gigising!Gayundin sa pagkain,mas masarap kumain kahit saging ang ulam mo kung gutom na gutom ka kaysa sa lechon nga ang ulam mo pero busog ka pa.

10.Hanapin ang katotohanan at manatiling totoo at tapat sa sinasabi at sinusulat.May nabasa akong libro ukol sa katotohanan.’Instead of money,instead of hope,instead of love,instead of future…give me truth!”
Wala nang mas hahalaga pa sa bagay na totoo.Kasabihan nga…the truth shall set you free but first,it piss you off!Mas madaling umamin na ikaw ay isang bibong matching kaysa magpanggap na ikaw ay isang kungfu panda.Lalabas din ang buntot mo sa banding huli kaya don’t even try na magsinungaling.

Marami pa akong natutunan pero useless na yung iba kase di naman masyadong importante kumpara sa nabanggit ko,sana’y pagnilayan mo ito kung tama nga at hindi kita niloloko lang basta!Kung may karagdagan ka or opinion,don’t hesitate to put it down.Salamat sa matchagang pagbabasa sa bibong matching na sumusulat sa dahon ng saging in HTML format!Nya ha ha!!!

Comments 5 Comments »